4 na Sang’gre ng Encantadia bagong version ng Charlie’s Angels | Bandera

4 na Sang’gre ng Encantadia bagong version ng Charlie’s Angels

|December 13,2016
facebook
share this

4 na Sang’gre ng Encantadia bagong version ng Charlie’s Angels

- December 13, 2016 - 12:15 AM

encantadia sanggres

PATULOY na tumitindi ang mga maaksiyon at madramang eksena sa fantaserye ng GMA 7 na Encantadia after 24 Oras.

Sa mga huling eksena sa kaharian ng Encantadia, sumugod na sina Alena (Gabbi Garcia), Amihan (Kylie Padilla) at mga kawal sa kampo ni Lila Sari (Diana Zubiri) para bawiin ang brilyante ng tubig. Naging madugo ang labanan at sa pagkatalo ni Lila Sari ay magsisilang ito. Tinangkang sugurin ni Alena si Lila Sari ngunit pinigilan siya ni Amihan.

Dahil naman sa pagkakasakit ng kaniyang anak, sinubukan ni Pirena (Glaiza de Castro) na ipabawi kay Ether ang basbas na kapangyarihan sa kaniya ngunit nabigo siya.

Sa pagbabalik nina Mira (Kate Valdez) at Lira (Mikee Quintos) sa Lireo, mapapanatag na sina Imaw at Danaya (Sanya Lopez) ngunit muli silang mag-aalala dahil nalaman nilang may bagong kapangyarihan si Pirena.

Magsisimula namang magduda si Amihan sa tunay na pagkatao ni Lira.

Samantala, puring-puri naman ng manonood ang galing sa aksiyon nina Kylie, Gabbi, Sanya at Glaiza.

Marami ang nagsasabi na pwedeng-pwede raw isabak sa maaaksiyong proyekto ang mga ito tulad ng ginagawa ng Hollywood superstar na si Angelina Jolie.

Request nga ng mga Kapuso fans, sana’y mabigyan ng chance ang apat na Sang’gre na magbida sa isang bonggang action movie na mala-Charlie’s Angels.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending