St. Benilde netters binigo ang San Sebastian | Bandera

St. Benilde netters binigo ang San Sebastian

Angelito Oredo |December 11,2016
facebook
share this

St. Benilde netters binigo ang San Sebastian

Angelito Oredo - December 11, 2016 - 11:00 PM

SINANDIGAN ng College of St. Benilde ang mga itinalang panalo nito sa singles match upang biguin ang San Sebastian College, 2-1, at lumapit sa pagsungkit ng men’s title sa pagsisimula ng ikalawang round ng NCAA Season 92 lawn tennis tournament Linggo sa Rizal Tennis Center sa Maynila.

Tinalo ni Jet Asilo ang nakatapat na si John Sanga, 6-2, 6-3, sa reverse singles match upang selyuhan ang laban para sa Blazers, na unang winalis ang eliminasyon noong Huwebes na may siyam na panalo para iuwi ang first round pennant.

Inungusan ni Radha Reyes ang nakasagupa na si Francis Panaligan, 6-3, 7-6 (5), sa opening singles upang ibigay sa St. Benilde ang bentahe. Gayunman, nabigo sina Mav Victoria at Carl Catedral kontra Ramzie Manonsong at John Paul Gulfo, 3-6, 6-2, 7-5, sa doubles na nagtabla sa labanan sa kada isang panalo.

Isinalba ni Asilo ang Blazers sa pagwawagi sa krusyal na ikatlong laban.

Ang panalo ay nagtulak sa St. Benilde sa dalawang panalo na lamang para masungkit ang pangkalahatang ikalawa na korona sa disiplina matapos masungkit ang una at tangi nitong kampeonato may 13 taon na ang nakalipas.

Sunod nitong sasagupain ang San Beda at Letran sa kanilang laban para makamit ang hangarin.

Ang Red Netters, na siyang defending champions at league’s second most titled tennis team na may 15 at kulang ng dalawa sa likuran ng Mapua na may 17, ay hindi naman magpapaiwan na hindi lumalaban matapos nitong huling biguin ang Knights, 2-1.

Tinalo ni Vince Carlo Ramiscal si Hilbert San Jose, 7-6 (4), 6-3, habang binigo ni Andre Tuason si Carlo Nono, 6-4, 7-6 (3), para sa panalo.

Ang tanging panalo ng Letran ay nagmula sa doubles sa 7-6 (2), 6-2 pagwawagi nina Ivan Valenzuela at Adjuthor Moralde kontra Andre Rodriguez at Eric Fernandez.

Kinakailangan ng San Beda, na tumapos na ikalawa sa elims na may 8-1 (win-loss) record, na talunin ang St. Benilde at tumapos na No. 1 sa ikalawang round upang makapuwersa ang knockout duel sa Miyerkules para sa kampeonato.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending