Mocha inupakan ng basher: Hoy, bakla, sumosobra ka na! nakakatulog ka pa ba sa gabi? | Bandera

Mocha inupakan ng basher: Hoy, bakla, sumosobra ka na! nakakatulog ka pa ba sa gabi?

Alex Brosas |December 12,2016
facebook
share this

Mocha inupakan ng basher: Hoy, bakla, sumosobra ka na! nakakatulog ka pa ba sa gabi?

Alex Brosas - December 12, 2016 - 12:30 AM

mocha uson

NAG-REACT na si Mocha Uson sa one-liner ni Vice-Pre-sident Leni Robredo na wala siyang planong basahin ang blog ng starlet-turned-journalist kuno.

Pero may interesting ang open letter na lumabas sa Real Philippines blogsite para kay Mocha.

“Hi beks! Kumusta naman? Happy ka naman bang nakakapaglaganap ng mga katangahan at kabobohan sa internet? Nakakatulog ka pa ba sa gabi?

“Una sa lahat, hindi ka maganda. Hindi totoong mas mukha kang babae kay Sen. Leila de Lima, kasi ang totoo, mukha kang maton.

“Gusto ko lang din sabihin sa’yo na ang 4 million followers mo ay mula pa noong porn star ka pa. Yes! Naipon mo sila noong naghuhubad, tumutuwad, at nagpapalamas ka pa ng suso sa harapan ng camera.

Noong mga panahon na puro kabastusan pa laman ng page mo. O nakalimutan mo na ba? May ganon kang phase, gaga!”

“Pero girl! Mukha yatang sumusobra ka na? Talagang umabot ka na sa puntong pati mga bumabangga kay Duterte at sa kanyang admin ay pinagtitripan mo na din. Pati yung iilang natitirang matitinong miyembro ng admin, na nilele-label mong DILAWAN, ay sinisiraan mo at ginagawan mo ng issue.

“Let’s take VP Leni Robredo for example, since siya naman yung kineclaim mong walang kwentang politician at palagi mong tinitira ng tanong mong ‘ANO NA PO BA ANG NAGAWA NIYO?’ O diba nag-po ka pa, babastusin mo din naman pala!

“Hoy bakla! Hindi tamad si VP Leni. At para sabihin ko sa’yo, walang kwentang basehan ang makinis na tuhod ni VP Leni para akusahan siya na walang nagawa. Kung marunong kang magresearch, na alam ko namang hindi mo ginagawa, napaka effective na housing chair ni VP Leni despite sa napalaking tapyas ng budget ng HUDCC.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending