Halikan, love scene nina Jessy at Enchong sa 'Mano Po 7' tinilian ng madlang pipol | Bandera

Halikan, love scene nina Jessy at Enchong sa ‘Mano Po 7’ tinilian ng madlang pipol

Jun Nardo |December 11,2016
facebook
share this

Halikan, love scene nina Jessy at Enchong sa ‘Mano Po 7’ tinilian ng madlang pipol

Jun Nardo - December 11, 2016 - 12:15 AM

jessy mendiola at enchong dee

CHORUS ang tanong ng mga nanood sa premiere night ng “Mano Po 7: Chinoy” – bakit hindi nakasali sa MMFF 2016 ang family drama ng Regal Entertainment?

Puring-puri kasi ng mga nakapanood ang ganda ng pagkakagawa ng movie lalo na ang magagaling na acting ng cast.

Swak na swak ang kuwento tungkol sa isang pamilyang meron mang hindi pagkakaunawaan eh, nanaig pa rin ang pagmamahalan upang hindi ito mawasak nang tuluyan.

Ginulo ng Regal Entertainment ang buong SM Megamall nang isagawa ang premiere night ng “Chinoy” nu’ng Biyernes nang gabi sa kasagsagan ng traffic. Sinimulan ng dragon at lion dance at saka sinundan ng pagrampa ng buong cast.

Pinangunahan ito ni Richard Yap na talagang tinilian ng mga fans sa loob ng mall. Kasunod niyang rumampa sina Jean Garcia, Jake Cuenca, Enchong Dee, Janella Salvador, Marlo Mortel, Kean Cipriano, Jana Agoncillo, Rebecca Chuaungsu, Rosalind Wee, habang humabol naman sa sinehan si Jessy Mendiola.

Mula sa ground floor ay umakyat ang buong cast sa Cinema 9 habang patuloy ang pag-iingay ng makulay na dragon at lion dancers. Nabulabog talagang lahat ang shoppers na hindi magkamayaw sa pagsigaw nang makita ang buong cast ng “MP7.”

Siyempre pa, sumuporta si Luis Manzano sa girlfriend na si Jessy, huh! In fairness, hindi siya gumawa ng eksena dahil simple lang siyang dumating sa sinehan.

Punumpuno ng tao ang Cinema 9. Wala silang tigil sa kasisigaw kapag lumalabas na sa screen ang mukha ng idolo nila. Halos lahat ng artista, may kanya-kanyang pulutong ng fans. Patalbugan sila ng tili at palakpak sa eksena ng kanilang mga idolo.

Hindi rin napigilan ng mga ito ang lumuha sa madadramang eksena sa pelikula. Super touching naman kasi talaga ang mga drama moments sa “MP7”.
Umani ng papuri si Enchong na kinabiliban ang akting. Naitawid niya ang dramatic moments niya.

Gandang-ganda naman sila kay Jessy at sigawan ang mga tao nang ipakita na ang kissing scene at love scene nina Enchong at Jessy sa loob ng rehab center.

Binigyan din ng madamdaming moment si Janella. Matutuwa naman ang fans nila ni Marlo dahil sa kanilang mga kilig moments.

Of course, hindi pa rin matatawaran ang galing ni Jean. Dalang-dala ang lahat sa bawat eksena niya bilang ina, asawa at nakiapid na misis. Eh, ang galing din ni Jake bilang lover ni Jean.

But the biggest revelation ay si Richard. Hindi na siya ‘yung pa-matinee idol na tinitilian. Istriktong ama na parang walang damdamin sa mga anak ang role niya. But deep inside him, nandoon ang pagmamahal sa pamilya.

Take note na sa lambingan nila ni Jean, luma-loveteam sila na tinitilian ng mga tao, huh! Lumelebel sila sa MarNella!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magaling din si Rebecca na lumabas na ina ni Richard and yes, si Eric Quizon din na gay brother ni Richard sa movie. Credit should be given kay direk Ian Lorenos dahil napaarte niya nang husto ang mga artista.

“Mano Po 7: Chinoy” is the best series so far ng multi-awarded family drama franchise na mapapanood na sa Dis. 14.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending