Janella Salvador: Hindi po ako naghahanap ng boyfriend! | Bandera

Janella Salvador: Hindi po ako naghahanap ng boyfriend!

Ambet Nabus |December 11,2016
facebook
share this

Janella Salvador: Hindi po ako naghahanap ng boyfriend!

Ambet Nabus - December 11, 2016 - 12:01 AM

janella salvador at elmo magalona

SPEAKING of Janella Salvador, sa paningin namin ay lalong gumaganda ang batang ito.

Beauty queen material din ang kanyang aura ngayon dahil bukod sa matangkad, sexy at makinis ay very charming din ang dalaga.

Biniro nga namin siya nang minsang makasabay namin sa Faces & Curves Clinic nina Dr. Jay at Dra. Sheila Recasata kung may bago na siyang inspirasyon na siyang nagpapaganda sa kanya, sey ni Janella, “Wala pa po ever. Talaga lang masaya ako at fulfilled sa ginagawa ko. Ang family ko po at work ang reason.”

Very visible nga si Janella ngayon sa TV at may upcoming movie pa siya, ang “Mano Po 7: Chinoy” under Regal Entertainment. Meron din siyang sinu-shoot na mga bagong TV commercials ngayon.

Next year naman ay pagtutunan na ni Janella ang bago niyang album under Star Music. Sa takbo ng kanyang career ngayon saan pa nga ilalagay ng dalaga ang lovelife?

But one thing na sobra naming ina-admire sa batang ito ay madali siyang kausap. Magaling din siyang mag-explain lalo na yung pag-amin niya na mine-maintain niyang magkaroon ng male friends gaya nina Elmo Magalona, Marlo Mortel at iba pa. Dahil aniya, “Mas nakaka-mature bilang isang babae. Marami akong nalalaman from them kaya po siguro hindi ko rin hinahanap ang magka-boyfriend dahil marami naman akong male friends. Ha-hahaha!”

Ngayong darating na Dec. 14 ay mapapanood na ang “Mano Po 7: Chinoy” at nangako si Janella na rarampa siya in her Chinese outfit sa gagawin niyang pag-iikot sa mga sinehan, pampasuwerte daw kasi ito kaya kakaririn na niya at ng iba pang members ng cast.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending