Tailor-made kay Boybits | Bandera

Tailor-made kay Boybits

Barry Pascua |December 09,2016
facebook
share this

Tailor-made kay Boybits

Barry Pascua - December 09, 2016 - 11:00 PM

PARANG tailor-made si Emmanuel “Boybits” Victoria sa kanyang bagong trabaho!

Si Boybits at nahirang na Sales head ng pinakabagong sports complex sa bansa. Ito ay walang iba kundi ang Victoria Sports na matatagpuan sa tabi ng MRT station sa GMA Kamuning.

“Ikaw ba ang may-ari nito? O kamag-anak mo ang may-ari?”

Iyan ang tanong kay Victoria ng mga sportswriters na dumalo sa launching ng Victoria Sports kamakailan.

“Hindi. Hindi ko nga alam ito dati, e. Kinausap lang ako ng isang kaibigan ko at tinanong kung puwede ko ngang hawakan ang posisyon na ito. I was apprehensive at first pero nang lumaon ay tinanggap ko kasi panibagong challenge sa akin ito,” ani Boybits.

Hindi naman kasi umaatras sa challenges si Victoria.

Mula noong bata pa siya ay wala siyang inatrasan. At kahit na noong pumasok siya sa PBA ay nagpakitang gilas kaagad siya. Hindi naman siya matangkad o super bilis pero nahirang siyang Rookie of the Year.  Ilang kampeonato rin ang kanyang napanalunan.

At matapos na magretiro ay pinasok ni Boybits ang ibang opisyo at napagtagumpayan din. Two years ago ay nakasama ko sa radio coverage ng  PBA si Boybits. Hanggang ngayon ay kabilang siya sa radio panel.
At ngayon nga ay pamamahalaan niya ang sales ng Victoria Sports.

Siyempre, malaking bentahe para kay Boybits ang pagiging dating PBA player. Kasi ay puwede niyang kausapin ang mga PBA teams upang hikayatin na sa Victoria Sports na mag-ensayo.

Madali lang namang puntahan ang venue. Kasi nga ay ilang metro lang ang layo nito sa MRT station. So, kahit na traffic ay makakapunta nang maaga ang mga players. Pagkakaguluhan nga lang sila sa MRT station at sa sasakyan mismo. Pero okay naman para sa mga sikat ang sumakay sa MRT, e. May mga artista na sumasakay dito, hindi ba?

At hindi lang basketball court ang matatagpuan sa Victoria Sports. Kung ano ang sport ng kahit na sino ay puwedeng laruin dito. Hindi lang ito pang-atleta kundi para sa buong pamilya.

May Olympic size swimming pool, tennis court, badminton court at kung anu-ano pang courts. At may indoor track and field area. Biruin mong puwede kang tumakbo nang tumakbo nang hindi masusunog sa init ng araw. Mayroon ding mga health spas at wellness stations.

Heto pa! May ilang personal gyms para sa mga executives o mga may-ari mismo ng malalaking kumpanya. Ibig sabihin, pwedeng mag-workout nang mag-isa ang isang tao nang walang istorbo sa kanya. Pwede ring supervised workouts.

At para sa mga executives na ang opisina ay sa Alabang o malayong lugar, mayroong mga work stations kung saan pwedeng papuntahin ang mga kliyente at estimahin. Kumbaga ay nage-exercise  ka na ay puwedeng tuloy ang trabaho.

Hindi ko na sasabihin kung magkano ang presyo pero affordable naman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tiyak na dadayuhin ang Victoria Sports. Hindi dahil kay Boybits kundi dahil sa mga bagay na puwede nitong i-offer sa mga sports lovers at physical fitness buffs.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending