Beteranang aktres na sangkot sa ilegal na droga kasama sa celebrity drug list | Bandera

Beteranang aktres na sangkot sa ilegal na droga kasama sa celebrity drug list

Cristy Fermin |December 10,2016
facebook
share this

Beteranang aktres na sangkot sa ilegal na droga kasama sa celebrity drug list

Cristy Fermin - December 10, 2016 - 12:15 AM

BLIND ITEM WOMAN 0226
MARAMING umaasa na sa mga panahong ito ay tumigil na sa kanyang kinahihiligang bisyo ang isang nagkakaedad nang female personality. Bukod sa tumatanda na siya ay napakatindi ng kilabot sa kapaligiran ngayong mga panahong ito.

Nagkaroon kasi ng pagkakataon na pati ang mga kaldero at bentilador sa kanilang bahay ay naisasangla-naibebenta na niya para lang kunsintihin ang kanyang bisyo.

Nadasalan na rin ng kanyang mga anak ang lahat ng santo para hilingin ang kanyang pagbabago, pero totoong-totoo nga, ang pagbabago ay nagsisimula sa mismong may katawan.

Kilalang-kilala siya sa isang lugar sa isang siyudad, palagi siyang dumadayo du’n para sa kanyang bisyo, harinawang tumigil na siya para hindi siya mapasama sa mga taong basta nakikita na lang na nakabulagta sa kalsada.

Kuwento ng isang source, “Mukhang inaalihan na rin siya ng takot ngayon dahil hindi na halos siya lumalabas ng bahay. ‘Yun ang napapansin ng mga kapitbahay nila, bihira na nilang nakikita si ____ (pangalan ng babaeng personalidad).

“I’m sure, aware siya sa mga nangyayari, nakakapanood naman siguro siya ng TV at nakapagbabasa ng mga tabloid, kaya alam na alam niya ang puwedeng mangyari.

“Alam niya rin na any moment, e, ilalabas na ang names ng mga artistang nagbibisyo, alam na alam niyang kasali siya du’n, kaya sobrang nag-iingat na siya ngayon,” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Sa pinakahuling balita ay hindi na siya napagkikita ngayon sa lugar na madalas niyang dalawin, ingat na ingat na siguro ang may edad nang girl, dahil sa mga napapanood niya.

“Naku, dapat lang naman, ‘no! Hindi na siya bata, lola na siya, ibalik niya sa dati ang buhay niya na ang dami-daming naaaliw sa kanya dahil sa pagpapatawa niya!

“Nakakatakot, baka maging akusado na siya, hindi na hurado!” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, siguradong kilalang-kilala n’yo na kung sino ang nagkakaedad nang female personality sa ating kuwento, promise!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending