Hiling ni Ate Guy: panoorin ng Noranians sa Pasko ang Kabisera | Bandera

Hiling ni Ate Guy: panoorin ng Noranians sa Pasko ang Kabisera

Ambet Nabus |December 10,2016
facebook
share this

Hiling ni Ate Guy: panoorin ng Noranians sa Pasko ang Kabisera

Ambet Nabus - December 10, 2016 - 12:30 AM

nora aunor

SINAGOT ni Nora Aunor ang matagal na naming gustong usisain tungkol sa kanyang mga pelikula na hindi gaanong kumikita sa takilya pero kadalasan ay humahakot ng awards here and abroad.

Isa sa mga official entry sa MMFF 2016 ang pelikula niyang “Kabisera” kung saan makakasama niya sina Ricky Davao, JC de Vera, Jason Abalos at marami pang iba.

Sey nito nang diretsahan naming tinanong, “Ate Guy, bakit lagi nilang sinasabi na maiingay lang ang mga supporters mo pero pagdating sa pagsuporta sa pelikula mo, wala naman sila?”

“Hindi naman po siguro. Nagkakataon lang na sa mga previous films natin ay hindi ganu’n kalawak ang publicity. Saka hindi rin sila ganu’n ka-high tech, hindi sila aktibo sa social media.

“Pero dahil MMFF nga ito, siguro naman ay nandiyan pa sila para sa mga makabuluhang pelikula,” sey nito.

O hala, mga Noranian, inaasahan kayo ni Ate Guy na susugod kayo sa mga sinehan sa darating na Kapaskuhan para panoorin ang “Kabisera”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending