Gabby-Snooky loveteam may reunion sa Sarap Diva | Bandera

Gabby-Snooky loveteam may reunion sa Sarap Diva

|December 10,2016
facebook
share this

Gabby-Snooky loveteam may reunion sa Sarap Diva

- December 10, 2016 - 12:35 AM

sarap diva

MAGKAKAROON ng bonggang reunion ngayong umaga ang isa sa pambatong loveteam noong dekada 80 sa favorite cooking show n’yo with a big twist – ang Sarap Diva sa GMA 7 hosted by Regine Velasquez.

Alamin kung anu-ano nga ba ang mga latest chika tungkol kay Gabby Concepcion, sa kanyang personal life at sa kanyang humahataw na showbiz career sa GMA.

Siyempre, may pasabog din para sa mga manonood ang dati niyang ka-loveteam sa bakuran ng Regal Films na si Snooky Serna.

Paano nga ba nabuo ang Kukay-Gabo loveteam at ano ang mga hindi nila malilimutang experience noong kasagsagan ng kanilang kasikatan bilang youngstars? ‘Yan ang aalamin ng Asia’s Songbird sa pagdalaw nila sa Sarap Diva this morning.

Pero, wait lang, there’s more! Si Layla D mang-aagaw ng eksena! Hindi raw siya makapapayag na may ibang aagaw sa posisyon niya.

Samantala, may matamis na Christmas dessert na ihahanda si Regine – bet mo ba ang Queso de Bola leche flan? Tikman ang saya ng kwentuhan at kainan ngayong Sabado ng umaga sa Sarap Diva pagkatapos ng Maynila sa GMA 7 lang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending