3 patay sa shootout sa pagitan ng puwersa ng Malaysia at pinaghihinalaang Abu Sayyaf
PATAY ang tatlong pinaghihinalaang miyembro ng Abu Sayyaf matapos makipagbarilan sa mga puwersa ng Malaysia sa karagatan ng Darvel Bay sa Sabah, Malaysia.
Napatay ang tatlong Abu Sayyaf na sinasabing sangkot sa kidnaping, samantalang arestado naman ang tatlong iba pa matapos ang barilan sa pagitan ng Tiger Platoon mula sa Malaysian police at walong armadong kalalakihan sa karagatan ng Pulau Bodgaya sa Semporna ganap na alas-9.40 ng gabi noong Huwebes.
Nabaril naman sa paa ang isang pulis at inilipad pabalik ng Semporna hospital ganap na alas-1:50 ng hapon kahapon.
Pinaghahanap naman ang dalawang iba pang suspek na nakatakas sa lugar.
Sangkot ang Abu Sayyaf sa mga insidente ng pagdukot.
Pinaniniwalaang nanggaling ang mga suspek sa Tawi-Tawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.