Horoscope, December 09, 2016 | Bandera

Horoscope, December 09, 2016

Madam Sophia |December 09,2016
facebook
share this

Horoscope, December 09, 2016

Madam Sophia - December 09, 2016 - 12:05 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Sa pag-ibig, habang lumalamig ang panahon yakapin at bigyan ng mainit na halik ang minamahal. Sa pinansyal, ngayong kapaskuhan ay makapal na bungkos ng salapi ang hindi inaasahang biglang mahuhulog mula sa langit. Mapalad ang 5, 8, 9, 44, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ghaya-Traya-Om.” Red at blue ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Hindi dapat ipagwalang-bahala ang mga problemang pampinansyal na dumarating sa inyong pamilya – gumawa na ng aksyon ngayon bago tuluyang lumala ang sitwasyon. Sa pag-ibig, lalo pang mahalin ang kasuyong Leo. Mapalad ang 3, 18, 27, 34, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Yophiel-Om.” Maroon at gold ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Bawasan ang pagkain ng junk food at laging mag-exercise upang muling sumeksi ang katawan at mapanatili ang kalusugan. Sa pinansiyal, iwasang maging lustay at kahit maliit ang kinitakita pilitin pa ring mag-ipon nang mag-ipon. Mapalad ang 3, 18, 21, 33, 39 at 45, Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mani-Padme-Om.” Pink at lilac ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Sa buwang ito ng Disyembre ay may bagong pagkakakitaang matutuklasan. Sa pag-ibig, isang tigang na Aries ang magpapapasin sa iyo – sunggaban mo agad bago tuluyang makaalpas! Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Bhuvah-Om-Bhanah.” Red at blue ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Makakamit ang tagumpay kung sariling diskarte ang aasahan. Sa pag-ibig, ikaw ang unang gumawa ng hakbang upang muling uminit ang relasyon. Sa pinansiyal, ikaw mismo ang kumilos upang madoble ang kinikita. Mapalad ang 8, 16, 24, 34, 44 at 47. Mahiwaga mong mantra, “Aum-Sahana-Vavatu-Om.” Green at white ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Mag-ingat, may mangungutang na naman! Kung hindi siya matanggihan ay ¼ lang ng inuutang ang ibigay mo upang hindi sumama ang loob mo kahit na hindi siya magbayad. Sa pag-ibig, basta’t ang kasuyong Aries ang kasama ay magiging okay ang lahat. Mapalad ang 2, 7, 21, 27, 32, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Veda-Om.” Red at green ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Ngayong kapaskuhan ay patawarin ang mga taong sa iyo’y nagkasala. Sa ganyang paraan, biglang madodoble ang kinikita. Sa pag-ibig, kalimutan na ang pagkakamali ng kasuyo upang maging happy uli ang relasyon. Mapalad ang 9, 18, 27, 36, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Padme-Om.” Orange at blue ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Sa Paskong darating, pag-ibig ang susi upang limigaya. Sa negosyo, haluan ng pagmamahal ang serbisyo at produkto upang mas lalong lumakas ang kita. Sa pakikipagrelasyon, habang lumalamig ang panahon nami-miss ka na ng iyong kasuyo, makipagkita sa kanya sa dati ninyong tagpuan. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 36 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Segura-Om.” Blue at brown ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Sa araw na ito ay tularan mo ang unggoy – mautak! Sa pamamagitan ng matalinong pagpapasya, madodoble ang kinikita. Sa pag-ibig, wag puro puso ang gamitin, gumamit din ng utak at rason upang ikaw ay lumigaya. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Mahah-Jaya-Om.” Blue at silver ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Isang kasamahan ang magtsitsismis sa mga sinasabi mo. Wag gaanong magtitiwala sa mga kaibigan. Minsan sa halip na makisali sa tsismisan ay mas magandang makinig ka na lang. Sa pag-ibig, basta tahimik ka lang kusang darating ang true love. Mapalad ang 7, 13, 22, 36 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Taph-Harth-Harath.” Pink at yellow ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Kung napansin mong dating nang dating ang salapi wala kang dapat gawin kundi ipunin ito. Tandaan mong silang mas maraming pera ang mas makapangyarihan at mas maligaya dahil nabibili nila ang kahit anong gusto nila. Sa pag-ibig, hinihintay ka pa rin ng dati ng minahal na isang Taurus. Mapalad ang 4, 14, 23, 37, 39 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Orange at green ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Laging magpasalamat sa Diyos dahil sa kabila ng mabibigat na pagsubok na pinagdaaan, matatag ka pa rin, sumisipa pa, buhay at maligaya. Sa Simbang Gabing darating ay obligahin ang sarili na buuin ang misa upang kahit na papaano sa pag-ibig at pinasyal pagpapalin ka na ni Lord. Mapalad ang 1, 9, 19, 27, 35, at 48. Mahiwaga mong manrta: “Yod-He Vau-Weh.” White at blue ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Wag dayain ang sarili! Kapag alam mong palugi ang investment ay tumigil ka na bago malubog sa mga pagkakautang. Sa pag-ibig, tama ang ginagawa mong pag-iwas sa tukso. Sa pagiging tapat, mapapanatili ang masayang pamilya. Mapalad ang 4, 14, 23, 36, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nameh-Vah-Weh-Om-Padme-Om.” Magenta at white ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending