Matutuloy ba sa Canada? | Bandera

Matutuloy ba sa Canada?

Joseph Greenfield |December 09,2016
facebook
share this

Matutuloy ba sa Canada?

Joseph Greenfield - December 09, 2016 - 12:05 AM

Sulat mula kay Honey ng Bansalan,
Davao del Sur
Dear Sir Greenfield,
Nag-aaplay po kami sa ngayon ng mister ko sa Canada bilang immigrant at may tumutulong naman sa amin. Ito po ang hipag ko na matagal ng naninirahan doon kasama ang kanyang pamilya. Ang itatanong ko lang po sana kaya naisipan kong sumangguni sa inyo ay kung matutuloy po ba kami doon. At kung matutuloy kami, kailan kaya ito mangyayari? Maisasama din kaya namin ang mga anak namin doon at magkakaroon kaya kami ng masagana at masayang buhay? July 2, 1979 ang birthday ko at May 16, 1976 naman ang mister ko.
Umaasa,
Honey ng
Davao del Sur
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malawak at malinaw na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) na namataan sa iyong palad. Ang big sabihin lang nito ay anuman ang mangyari sa application n’yo sa Canadian embassy, malinaw ng nakasulat na sa iyong palad—isang mabunga at mabiyayang
pangingibang-bansa ang magaganap.
Cartomancy:
Ace of Diamonds, Eight of Diamonds, Nine of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabi na magsisimula ang suwerte at magandang kapalaran mo, ng iyong mister at buong pamilya sa taong 2018 hanggang 2019. Sa panahong tinuran, sa edad mong 39 pataas, maga-grant na ang matagal mo ng pangarap na makapag-migrate sa Canda.
Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending