Horoscope, December 08, 2016 | Bandera

Horoscope, December 08, 2016

Madam Sophia |December 08,2016
facebook
share this

Horoscope, December 08, 2016

Madam Sophia - December 08, 2016 - 02:34 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Wag ubusin ang pera sa alak at blow-out. Magtira para bukas! Sa pag-ibig, maghanda ng maraming pera para sa nalalapit na kapaskuhan. Mapalad ang 1, 7, 28, 31, 40 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Agiel-Zazel-Yophiel”. Yellow at blue ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Mawawala ang negatibong pakiramdam kung itutuon ang isipan sa ang mga bagay na may kaugnayan sa pag-ibig. Isang tapat at mabuting Sagittarius ang darating. Sa pinansyal, ang pinaka-epektibo pa ring paraan upang umunlad ay ang mag-ipon. Mapalad ang 4, 13, 28, 37, 39 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om.” Black at red ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Sa araw na ito at sa susunod na mga araw ihahatid ka ng iyong emosyon sa isang maligayang relasyon. Sa pinansiyal, haluan ng pagmamahal at lambing ang produktong may kaugnayan sa pagkain upang umunlad. Mapalad ang 6, 12, 23, 36, 44 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Veda-Rata-Vada-Om.” Purple at silver ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Kaunting panahon na lang matutupad na ang lahat ng mga pangarap sa buhay higit lalo sa aspetong pang-materyal. Sa pag-ibig, malaki ang maitutulong sa iyo ng isang taong inisnilang sa zodiac sign na Virgo. Mapalad ang 1, 5, 15, 27, 41 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Marga-Om.” Blue at pink ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Tanggapin lang ng tanggapin ang anomang mga negatibong pangyayaring nagaganap at laging matutong magpasalamat. Sa ganyang paraan mahahawi din ang dilim at sa sandaling umaliwalas ang langit, kusa na uling gaganda at liligaya ang iyong kapalaran. Mapalad ang 7, 13, 26, 35, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Whathanabe-Aum-Gatmadu.” White at beige ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)— Hindi awa ang dapat, kundi ang pagiging mukhang salapi upang yumaman. Sa pag-ibig, kung puro damdamin ang paiiralin, paano ka uunlad? Mapalad ang 4, 14, 23, 37, 39 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Nameh-Om.” Orange at green ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)— May darating na bagong kakilala, na makakasama sa panibagong yugto ng buhay sa susunod na taong 2017. Isang masarap at matamis na pag-iibigan ang kusang mabubuo, habang sa aspetong pang-pinansyal patuloy ang paglago ng kabuhayan. Mapalada ang 4, 13, 28, 33, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Govardana-Krisna-Krisna-Om.” Orange at blue ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Sa simpleng buhay mas magiging maganda ang kapalaran. Iwasan ang maluhong pamumuhay lalo na sa darating na 2017. Tandaang ang pagtitipid at ugaling praktikalidad ang sa iyo ay siguradong magpapaunlad. Mapalad ang 7, 16, 24, 36, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sari-Kara-Carya-Om.” Pink at green ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Palawakin pang lalo ang iyong mundo. Habang dumadami ang kaibigan mas lalago ang oportyunidad ng pagkakaperahan. Sa pag-ibig, mentras maraming kakilala mas makapamimili ka ng taong may busilak na puso at matinong makakasama. Mapalad ang 6, 15, 22, 26, 35 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nameh-Dosya-Om.” Cream at orange ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)— Masyadong mataas ang iyong ambisyon. Hindi masama basta magsumikap at wag sumuko sa anumang hirap na pagdaraanan. Darating ang araw isa-isa ng matutupad ang iyong mga pangarap. Sa pag-ibig ituloy lang ang pakikipag-relasyon sa isang Leo. Mapalad ang 1, 4, 18, 26, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Tatha-Yantra-Sakra-Om.” Pink at gold ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Sa panahon ngayong maraming gumugulo sa iyong isipan, walang dapat gawin kundi ang matutong mag-meditasyon – limang minutong katahimikan ng puso at isipan ang kailangan upang dagling masolusyunan ang mga pagsubok at problema. Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 45 at 48. Mahiwag mong mantra: “Rama-Rama-Krishna-Krishna-Om.” Blue at yellow ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Wag sumuko hangga’t hindi nakakamit ang pinaka-dulo ng minimithi – ang yumaman. Sa pag-ibig, wag hiwalayan ang kasuyo, at pagkatapos muli ka lang mabibigo sa pakikipag-relasyon sa iba – parang niloloko at pinarurusahan mo na nito ang iyong sarili! Mapalad ang 9, 12, 18, 27, 36, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Magenta at white ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Sa paskong darating wag maghanap ng kasiyahan kung saan-saan, nasa sariling tahanan ang ligaya. Mahalin ng lubos ang inyong pamilya, sapagkat sa ganyang paraan, nagmamahal ka, bukod sa ligaya kusang darating ang suwerte at maraming pera. Mapalad ang 6, 18, 21, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Om.” Purple at lilac ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending