Vice: Masakit pag tinawag na basura ang pelikula mo! | Bandera

Vice: Masakit pag tinawag na basura ang pelikula mo!

Alex Brosas |December 07,2016
facebook
share this

Vice: Masakit pag tinawag na basura ang pelikula mo!

Alex Brosas - December 07, 2016 - 12:05 AM

vice ganda

AYAW isipin at sabihin ni Vice Ganda na vindicated siya dahil kahit hindi nakasali bilang official entry sa Metro Manila Film Festival ang movie niyang “The Super Parental Guardians” at humataw naman ito sa takilya.

As we write this, naka-more than P250 million na ang movie.

“Ayokong sabihing vindicated ako kasi to whom much is given, much is required, ‘di ba? Sa kalagitnaan ng tagumpay na ito ay ayoko nang magmaasim pa. Wala ng dahilan para umasim at magyabang ka pa. Ngumiti na lang tayo,” say ni Vice.

“Lahat naman kasi ng pelikula ay pinaghirapan ‘yan, ‘di ba? Kaya nga nakaka-offend din kapag sinasabi na ang isang pelikula ay basura. Puwede nating sabihin na hindi natin gusto ‘yung pelikula o hindi natin nagustuhan, pero ‘yung sasabihin na ang pelikula ay basura ay nakaka-offend ‘yun kasi ang daming nagtrabaho diyan.

“Ang daming tao ang nagpuyat diyan. Ang daming tao ang hindi nakauwi sa pamilya nila para matapos ang mga pelikula na ‘yon,” dagdag niyang paliwanag.

Hindi man naging official entry ang movie niya, wish pa rin ni Vice na kumita ang lahat ng kasali sa MMFF.

“Kaya ang wish ko ay magtagumpay sila. Lahat naman tayo parang ‘yun ang hinahangad nating lahat.

Kaya tayo nagtatrabaho ay para magtagumpay tayo. At sa lahat ng biyaya na ibinigay sa akin ng Diyos ay ayaw ko namang ipagkait ‘yon. Sana lahat magtagumpay dahil naghirap tayong lahat diyan,” Vice added.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending