Vhong aariba bilang bagong Mang Kepweng | Bandera

Vhong aariba bilang bagong Mang Kepweng

Cristy Fermin |December 04,2016
facebook
share this

Vhong aariba bilang bagong Mang Kepweng

Cristy Fermin - December 04, 2016 - 12:05 AM

vhong navarro

SA JANUARY 8 na ang playdate ng pelikulang pinagbibidahan ni Vhong Navarro, ang “Mang Kepweng Returns”, na kapag napapanood ng ating mga kababayan ang trailer sa mga sinehan ay talaga namang puro halakhakan ang pumupuno sa mga sinehan.

Ito ang pagbabalik-pelikula ng magaling na komedyante-dancer-TV host mula nang maging kontrobersiyal ang kanyang personal na buhay. Buong-buo ang tiwala sa kanya ng Cineko Productions para sa papel bilang napapanahong manggagamot na pinasikat nu’n ng namayapang komedyanteng si Papang Chiquito.

Sino nga ba ang makalilimot sa albularyong si Mang Kepweng? At sino rin ang makalilimot sa eksena ng libing na inabot nang ilang oras sa kalye dahil ang tugtog ng musikong maghahatid sa huling hantungan ay chacha?

Isang hakbang pasulong at dalawang hakbang paurong, paano lalakad nang maayos ang libing, ‘yun ang eksenang hanggang ngayo’y hindi malimut-limutan ng ating mga kababayan.

Bukod kay Vhong Navarro na bumibida sa “Mang Kepweng Returns” ay kasama rin sina Kim Domingo, Valeen Montenegro, Jaclyn Jose, Pen Medina, Tuco, Jobert Austria at marami pang iba.

Magandang playdate ang January 8, buwena-mano ‘yun sa 2017, gusto siyempre nating simulant ang isang panibagong taon sa pamamagitan ng positibong pelikulang punumpuno ng katatawanan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending