KPop, Koreanovela fan ka ba? I-download na ang Viu app for free | Bandera

KPop, Koreanovela fan ka ba? I-download na ang Viu app for free

Djan Magbanua |November 29,2016
facebook
share this

KPop, Koreanovela fan ka ba? I-download na ang Viu app for free

Djan Magbanua - November 29, 2016 - 04:10 PM
download (2) Korean novela fan? Check. Mahilig sa KPop? Check. Gustong laging in sa mga Korean news? Check na check! Iyan ang hatid sa inyo ng Viu, isang application na available for download sa inyong mga mobile devices. Ang global multi screen entertainment hub na ito ang magiging bagong partner ng mga KPop and Koreanovela fans. Sa launch ng Viu na ginanap sa Ascott hotel sa Bonifacio Global City, kasama ang media partner nito na Inquirer, sinabi ni Janice Lee, Managing Director of PCCW Media Group na very excited sila sa pag-launch ng Viu sa Pilipinas dahil kilalang very active na consumer ng all things Korean ang mga Pinoy. Simpleng simple ang interface ng Viu at proud sila na as soon as eight hours after ipalabas sa Korea ay nagagawan na agad nila ito ng online subtitles para mapanood agad agad ng mga viewers. Mapapanood dito ang big four Korean broadcasters na SBS, KBS, MBC at CJ E&M. Ibinabandera naman ng Viu na ang kanilang app ay libre at wala ring registration fee. Kaya KPop and Koreanovela fans, libreng-libre kayong  mag-stream ng inyong favorite episodes, mag-bookmark ng mga napanood at na-browse na shows . Para naman sa taong on the go, libre kang magdownload up to three episodes ng iyong favorite Korean shows. Sa ngayon ay unti-unti na rin silang nag eexpand tulad ng paglalagay ng ilang mga piling Japanese dramas para sa mga consumers. Samantala, sinabi naman ni Inquirer Group President and CEO Sandy Prieto-Romualdez na saktong sakto ang app para sa mga millenials na gusto ng “immediacy at flexibility” sa panonood ng kanilang mga fave shows. Ang Viu app ay available for download sa Apple Store at Google Play or pwede mong tignan ang kanilang website sa https://www.viu.com/ para sa kanilang online content.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending