Claudine galit na galit sa nanakit kay Santino | Bandera

Claudine galit na galit sa nanakit kay Santino

|November 29,2016
facebook
share this

Claudine galit na galit sa nanakit kay Santino

- November 29, 2016 - 12:05 AM

claudine barretto

GALIT na galit si Claudine Barretto sa taong nanakit sa kanyang anak na si Santino na naging sanhi ng pagkakaospital nito kamakalawa.

Ipinost pa ng aktres ang litrato ng bata sa kanyang Instagram account na kuha sa isang ospital kung saan ito ginamot dahil sa tinamong mga sugat.

Nilagyan niya ito ng caption na tila nagbabanta sa nanakit sa anak nila ni Raymart Santiago: “Nagkamali kayo ng SINAKTAN!!! You hurt my Son PHYSICALLY GOD FORGIVE ME SA ANONG GAGAWIN KO SA INYO!!!!”

Ayon pa kay Claudine, sinakal pa raw ang bata ng isang taong may edad 27-29 years old saka pinilipit ang kamay nito.

Bukod dito, ipinost din ni Claudine ang resulta ng ginawang check-up kay Santino, na may caption na: “Medico legal. ayan po Claudinians 10years old pinatulan at sinaktan!!! Yang Red sa Arm ng Anak ko saan nanggaling yan kung pinagsabihan nyo lang?”

May mga follower naman ang aktres na nagtanong kung may ginawa nang hakbang si Raymart para maipagtanggol ang kanilang anak mula sa mga taong nanakit sa bagets.

“Sana nga maipag laban niya anak niya kahit minsan lang sa buhay niya. Pamilya nya kasi yun kaya malamang gusto nya walang gulo pero pwede ba namang palagpasin dahil lang pamilya nila?” tugon ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending