Hashtag pinarusahan dahil sa pasikretong mga raket ; Sex video ni Ronnie Alonte maraming pinaligaya | Bandera

Hashtag pinarusahan dahil sa pasikretong mga raket ; Sex video ni Ronnie Alonte maraming pinaligaya

Ambet Nabus |November 28,2016
facebook
share this

Hashtag pinarusahan dahil sa pasikretong mga raket ; Sex video ni Ronnie Alonte maraming pinaligaya

Ambet Nabus - November 28, 2016 - 03:02 AM

mccoy ronnie jimboy

MAKAKATULONG kaya kay Ronnie Alonte ang patuloy na isyu tungkol sa diumano’y kumakalat niyang sex video?
Dalawa ang entries ng Hashtag member sa MMFF na mukhang nauuna nga sa pag-arangkada bilang actor among his peers in the dance group, pero sa dami ng nagsasabing siya nga talaga ang laman ng sex video despite his denial, mukhang mas mapapadali ang pagiging kontrobersyal niya.

Sa totoo lang, hindi pa kami nababatuhan ng nasabing link o kopya ng video kaya’t dedma lang kami. Ha-hahahaha! Pero kung totoo mang siya nga ang nasa video, siguradong marami na siyang napaligayang mga beki. Ha-hahaha!

Speaking of Hashtag, totoo kaya ang tsismis na kaya raw wala sa anniversary presentation ng grupo si Zeus Collins recently ay dahil nagkaroon daw ng “something” with the management?

Ni hindi nga raw ito ipinakita sa VTR ng grupo on Hashtag beginning, much more ay waley din daw ito sa mga in-acknowledge na members?

Hmmm, hindi namin ito napansin kahit nanonood kami ng It’s Showtime (baka nu’ng araw na yun, na-miss namin) dahil nitong past days naman eh, laging present ang guwapo at matangkad na lider ng grupo sa mga prod numbers nila.

Pero nang tanungin namin ang aming source kung ano ang sinasabing “something” patungkol sa pagkawala nito, eh bigla ba naman nitong sinabi ang mga salitang, “scandal, inggitan, pera at mga raket” daw na hindi ipinapaalam?
Hmmmm, aalamin natin ang katotohanan sa isyung yan kapatid na Ervin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending