Yen Santos naka-jackpot, tinuhog sina Piolo at Jericho | Bandera

Yen Santos naka-jackpot, tinuhog sina Piolo at Jericho

Ervin Santiago |November 25,2016
facebook
share this

Yen Santos naka-jackpot, tinuhog sina Piolo at Jericho

Ervin Santiago - November 25, 2016 - 12:20 AM

PIOLO PASCUAL AT YEN SANTOS

PIOLO PASCUAL AT YEN SANTOS

IN fairness, bongga ang pagpasok ng magaling na young actress na si Yen Santos sa Kapamilya primetime series na Magpahanggang Wakas nina Jericho Rosales at Arci Muñoz.

Simula nang pumasok ang karakter ng dalaga sa serye during the last week of October as the friendly damsel-in-distress Issa Ordoñez, puro papuri na ang ibinibigay ng netizens kay Yen, lalo na ang mga nakakalokang hirit at punchlines nito.

“Hindi ko po in-expect na papasok ako sa show. Biglaan lang po talaga. Nung sinabi sakin naexcite po ako sobra kasi gusto ko po talagang makatrabaho si Echo,” ani Yeng.

Ito rin ang unang pagkakataon na nakatrabaho ni Yen si Jericho at dream come true raw talaga ito para sa dalaga. Super blessed nga raw siya this year dahil pagkatapos niyang makasama sa pelikula si Piolo Pascual ay si Echo naman ang nakatrabaho niya.

“Thankful po ako kasi ang bilis ko po naging komportable sa kanya kasi ang bait niya. Ang gaan niya po katrabaho,” pahayag ng dalaga.

Malayu-layo na talaga ang narating ni Yen mula nang lumbas siya ng Bahay Ni Kuya (Pinoy Big Brother: Teen Clash) noong 2010. Una siyang nagbida noon sa Pinoy version ng hit Korean series na Pure Love (2014) kasama sina Joseph Marco, Matt Evans, Arjo Atayde at Alex Gonzaga.

Sinundan ito ng matagumpay na primetime series na All of Me kung saan nakasama niya sina JM de Guzman at Albert Martinez.

Kamakailan ay sinimulan na rin ni Yen ang kanyang launching movie with the Ultimate Heartthrob Piolo Pascual titled “Once In A Lifetime” na kinunan pa sa New Zealand, “Sobrang memorable po ng experience kasi first movie ko po ito, sa New Zealand pa at si Papa P pa ang kasama ko.”

Pag-amin pa ni Yen sa pagtatambal nila ni Piolo, “Hindi po naging madali sa akin nu’ng una kasi natutulala po ako palagi kay Papa P. Sobrang gwapo niya po. Ha-hahahaha! Tapos lagi pa siyang take one sa mga eksena niya kaya nakaka-pressure talaga! Sobrang surreal lang lahat.”

Pero bago nga ang kanyang launching film na malapit n’yo nang mapanood sa mga sinehan, tutukan muna ang mga exciting at madadramang eksena ni Yen sa Magpahanggang Wakas, weekdays after FPJ’s Ang Probinsyano.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending