Orig at bagong Ybarro ng Encantadia nagharap na | Bandera

Orig at bagong Ybarro ng Encantadia nagharap na

|November 22,2016
facebook
share this

Orig at bagong Ybarro ng Encantadia nagharap na

- November 22, 2016 - 12:10 AM

dingdong dantes at ruru madrid

NAGKAHARAP na!

Kung ikinatuwa ng mga Encantadiks ang pagkikita ng dalawang Sang’gre Alena na sina Karylle at Gabbi Garcia marami rin ang naaliw at na-excite nang magkita ang original at bagong Ybarro ng fantaseryeng Encantadia sa GMA Telebabad.

Marami ang natuwa sa litratong ipinost ni Ruru Madrid kung saan kasama niya ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes, ang unang gumanap na Ybarro sa Encantadia.

Wala pa ring kupas ang tikas ni Dingdong samantalang napaka-fresh naman ng aura ni Ruru. In fairness, talagang suportado ng mga dating miyembro ng cast ng serye ang mga bumubuo ng Encantadia ngayon kaya naman kitang-kita on screen ang ganda ng samahan nila.

Ito na siguro ang sikreto kung bakit patuloy ang pamamayagpag sa ratings ng nasabing GMA Telebabad series na napapanood pa rin gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras na pinagbibidahan din nina Glaiza de Castro, Kylie Padilla at Sanya Lopez.

q q q

Speaking of Dingdong Dantes, patuloy ding namamayagpag sa ratings game ang Telebabad series nilang Alyas Robin Hood after Encantadia kaya naman super inspired magtrabaho ang buong cast.

Ngayong gabi, sa pagpapatuloy ng kuwento, susubuking lumaban ni Pepe (Dingdong) pero lalo siyang pagkakaisahan ng guards hanggang sa mawalan ng malay.

Paggising ni Pepe, nakakulong na siya sa isang madilim na selda. He’s bound and blindfolded. Ayaw siyang sagutin ng guards kung nasaan siya.

Tuwang-tuwa naman si Mama Daisy (Dina Bonnevie) dahil maganda at gwapo ang nakuha nilang mga bitag na sina Lizzy (Lindsay de Vera) at Julian (Dave Borneo).

Inilagay ang mga bata sa isang kwarto. Paggising nina Lizzy at Julian, nakakulong na sila sa isang kwarto na maraming CCTV at flat-screen TV na nakalagay sa wall. Agad na magpa-panic si Lizzy habang susubuking pag-aralan ni Julian ang mga nangyayari.

Iyak nang iyak si Lizzy dahil sa kawalan ng pag-asa. Mag-uusap sila kung paano makakalabas ng kwarto. Nang bisitahin sila ng staff, bigla na lang mahihimatay si Lizzy. Magugulat ang staff dahil kanina lang daw ay pleasant at masayahin pa ang dalaga. Gulat din si Julian.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tuloy pa rin si Pepe sa pag-iisip kung paano makakalabas. Dahil sa sobrang pagkadesperado, aatakihin na ni Pepe ang guard na nagdala ng pagkain sa loob ng selda. Lumapit sa kanila ang iba pang gwardiya na agad hinostage ni Pepe.

Babantaan niya si Joerel (Michael Flores), at ang iba pang guards na papatayin niya ito ‘pag hindi pa siya pinakawalan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending