Gabbi Garcia pasadong beauty queen, pwedeng pumalit sa trono ni Pia | Bandera

Gabbi Garcia pasadong beauty queen, pwedeng pumalit sa trono ni Pia

Ambet Nabus |November 21,2016
facebook
share this

Gabbi Garcia pasadong beauty queen, pwedeng pumalit sa trono ni Pia

Ambet Nabus - November 21, 2016 - 12:01 AM

 

gabbi garcia

“GUSTO ko muna pong namnamin. Hindi na muna,” sagot naman sa amin ng mala-beauty queen na Kapuso Teen Princess na si Gabbi Garcia tungkol sa pagkakaroon ng boyfriend.

Ie-enjoy daw muna ni Gabbi ang kanyang pagkadalaga na todo na ang ginagawang paghahanda para sa kanyang 18th birthday ngayong Dec. 6.

Although marami ang mga boys na gustong manligaw sa kanya, ang ka-love team niyang si Ruru Madrid pa rin daw ang pinakamalapit sa kanya.

“We’re good friends po. Pero hanggang love team lang po muna kami. Wala ring li-gawan. Talagang sa ngayon, wala talaga sa priority ko ang lovelife,” sey ni Gabbi.

Pero if ever man daw na maging ready siya sa seryosong relasyon, talaga raw pag-iisipan muna niya ito nang ilang beses, “Mahirap kasi. Ang dami ko pang gustong gawin. Pero sa ngayon, okay po ako. Okay kami ni Ruru. Nasa kanya naman ang mga traits and qualities na gusto ko rin sa isang tao. Hindi pa lang po siguro time na mag-yes ako o mag-no,” sey pa nito.

Basta para sa amin ka-patid na Ervin, hinog na hinog na si Gabbi para ma-ging isang beauty queen. Nasa kanya ang potential na maging isang international beauty queen like Pia Wurtzbach dahil Pinoy na Pinoy ang itsura nito na mamahalin ng buong mundo.

For the meantime, ngayong Dec. 6 nga ay paghahandaan muna niya ang kanyang debut na gaganapin sa Marriott Hotel. Maraming special and surprise numbers silang gaga-win, with her family members and special friends.

Happy birthday Gabbi!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending