Gabbi Garcia bawal pa ring mag-boyfriend kahit 18 na | Bandera

Gabbi Garcia bawal pa ring mag-boyfriend kahit 18 na

Ervin Santiago |November 20,2016
facebook
share this

Gabbi Garcia bawal pa ring mag-boyfriend kahit 18 na

Ervin Santiago - November 20, 2016 - 12:05 AM

gabbi garcia at ruru madrid

BATA pa lang ay pangarap na ng Kapuso Teen Princess na si Gabbi Garcia ang magkaroon ng bonggang debut. At ngayong darating na December nga ay matutupad na ito as she turns 18.

Gaganapin ang debut party ni Gabbi sa Manila Marriott Hotel sa Dec. 6 na may temang “#SincerelyGabbi”, na dadaluhan ng kamag-anak ng dalaga at ilang malalapit na kaibigan niya sa showbiz, kabilang na ang mga kasamahan niya sa Encantadia ng GMA.

Bumista kami kamakailan sa taping ng Encantadia at nakausap nga namin si Gabbi, dito nga niya ikinuwento na bata pa lang siya ay dream na niya ang magkaroon ng debut party, “Opo, debut talaga ang gusto ko sa 18th birthday ko.

“Kasi yun nga, bata pa lang ako pinapapili na ako ng mommy ko kung party, travel or material things. Gusto ko talaga, debut. Kasi, isang beses lang.

“At saka yung travel po, anytime naman po dahil yung Mommy ko, FA (flight attendant) naman, so kaya ko naman.

“Yung debut po, ano kasi ako, ma-close ako sa friends ko, family, so gusto kong magsama-sama lahat. This will be a night where all my loved ones are present,” pahayag ng Kapuso star.

Kuwento pa ni Gabbi ang magiging tema ng kanyang debut party ay “high-fashion minimalist”, “Minimalist po kasi ako, kung makikita niyo po ang pinaka-venue, sobrang minimal lang ang set-up. Hindi siya talaga bonggang-bongga, marami po akong guests pero intimate pa rin siya.”

Ang magiging first dance ng dalaga para sa 18 Roses ay ang kanyang lolo, habang ang last dance niya ay ang kanyang daddy na si Vince Lopez. Hindi raw niya magiging escort ang ka-loveteam niyang si Ruru Madrid, pero bilang espesyal ito sa kanya, ang binata ang ika-17 lalaking magiging kasayaw niya para sa 18 Roses.

Nagbiro si Ruru sa ilang members ng press na dumalaw sa taping nila ng Encantadia na ayaw daw ni Gabbi kay Ruru bilang escort, “Hindi naman po sa ayaw, baliw yun, hindi po ako nag-escort kasi gusto ko na yung night na yun, kaya ko ‘to sa sarili ko.

“Pero ang important naman is nandu’n si Ruru at nasa 18 roses ko siya. Pang-17 ko siya kasi close naman talaga kami. Three years din po kaming magkasama and talagang magka-close talaga. Marami rin kaming memories together,” aniya pa.

Ilan pa sa magiging bahagi ng 18 Roses ni Gabbi ay sina Alden Richards, Rodjun Cruz, Jerald Napoles, Andre Paras, Rocco Nacino, Kim Last, Miguel Tanfelix, Pancho Magno, Gardo Versoza, Christian Bautista at Derrick Monasterio.

Sa 18 Candles naman, nangunguna sa listahan ang Kapamilya teen star na si Julia Barretto na matagal nang kaibigan ni Gabbi, Rita Avila, Donita Rose, Gabby Eigenmann, Jose Manalo, Wally Bayola, and fellow Sang’gres Kylie Padilla, Glaiza de Castro at Sanya Lopez.

Ang sikat at magaling na fashion designer na si Mark Bumgarner ang gagawa ng mga gown ni Gabbi.
q q q

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa presscon naman na ibinigay ng GMA 7 para sa debut ni Gabbi, sinabi nitong hindi pa rin sila magdyowa ni Ruru.

“Hindi pa, hindi pa rin. Bawal pa rin at saka mahirap, e. Kami naman ni Ruru, nag-uusap kami tungkol sa mga ganyang bagay. And we both know na bata pa kami kaya magpo-focus muna kami sa career namin,” sey ni Gabbi.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending