Glaiza suportado ang laban ni Rhian kontra sexual harassment: Dapat may maparusahan! | Bandera

Glaiza suportado ang laban ni Rhian kontra sexual harassment: Dapat may maparusahan!

Ervin Santiago |November 18,2016
facebook
share this

Glaiza suportado ang laban ni Rhian kontra sexual harassment: Dapat may maparusahan!

Ervin Santiago - November 18, 2016 - 01:15 AM

GLAIZA DE CASTRO AT RHIAN RAMOS

GLAIZA DE CASTRO AT RHIAN RAMOS

SUPORTADO ni Glaiza de Castro ang laban ng kanyang kaibigan na si Rhian Ramos para sa mga biktima ng sexual harassment na naranasan din niya kamakailan.

Kung matatandaan, ikinuwento ni Rhian sa kanyang social media account kung paano siya hinipuan sa pwet ng isang lalaki sa bar habang kasama niya ang kanyang mga kaibigan. Wala raw nagawa ang Kapuso actress nu’ng gabing ‘yun dahil bigla na lang daw umalis ang nanghipo sa kanya.

Dahil dito, nangako si Rhian na gagawa ng hakbang para mabigyan ng leksiyon ag mga gumagawa ng ganitong uri ng harassment sa mga kababaihan, lalo na ngayong marami siyang natatanggap na mensahe mula kanyang followers na naging biktima rin sila ng pambabastos.

Ayon sa kaibigan ni Rhian na si Glaiza, dapat daw managot ang lalaking nanghipo sa aktres para hindi na nito ulitin ang kanyang ginawa sa iba pang kababaihan.

“Siyempre dapat panagutan ng kung sinuman ang gumawa nu’n, di ba? Maturuan din siya ng leksyon. Tawagan ko si President Duterte, choz!” ani Glaiza nang bisitahin namin sa taping ng Encantadia sa Makati City last Wednesday.

“Meron naman po talagang batas sa Q.C. against sexual harassment kaso hindi naman yata siya sa Q.C. nangyari. Pero sana nga ma-spread yung ganu’ng klase ng batas kasi yung nae-experience ng mga kababaihan hindi lang naman sa Quezon City eh, talagang everywhere,” pahayag ni Glaiza.

Hirit pa nito, “Dahil sa nangyari kay Rhian, dapat mas ma-awaken pa yung mga tao lalo na yung nasa posisyon to implement, yung mas mabibigay na batas against sexual harassment.”

Samantala, wala pa ring boyfriend si Glaiza hanggang ngayon, sa sobrang busy daw niya ngayon ay hindi na niya naiisip ang kanyang lovelife, “Walang kalalakihan, wala akong time, eh. Wala nga kong time para magpa-pedicure at manicure, eh! Ha-hahaha! Pero seryoso wala akong time para magpa-facial,” sey ng kontrabidang si Pirena.

Hindi ba siya naiinggit sa mga kasamahan niya sa Encantadia like si Kylie Padilla na nakipagbalikan na kay Aljur Abrenica, si Gabbi Garcia naman ay may Ruru Madrid na, habang si Sanya Lopez naman meron nang Rocco Nacino.

“Marami naman akong love from other people, eh. Saka mula noong napanood ko yung ‘The Unmarried Wife’ ayoko nang mag-asawa. Ha-hahaha! Choz! Ayoko na! Joke! Eh wala talaga, eh, anong gagawin ko? Hindi naman ako choosy pero wala naman kasing choice. Siguro kasi, hindi pa tapos yung mission ko sa buhay.”

Ano bang ‘yung misyon na yun? “Matapos itong trabaho ko, mabigyan sila ng steady na business.

Family muna tsaka mag iipon-ipon muna ako para pag dumating siya (Mr. Right) sasabihin ko sa kanya,

‘Oy, ikaw na magtrabaho pagod na ko! Ha-hahaha!”

Hindi kaya lesbian lover ang dumating? “Ha-hahaha! Ganu’n? Sapat na siguro yung na-experience ko siya bilang Althea (karakter niya sa seryeng The Rich Man’s Daughter ng GMA). Pero maraming gwapong lesbian, ha!”

Tungkol naman kay Pirena, inamin ni Glaiza na kung minsan ay naiisip niya ang iniiwanan niyang impact sa mga batang nanonood ng Encantadia, lalo na sa mga eksena niya bilang kontrabidang Sang’gre.

“Minsan may feeling na parang ayoko nang naise-share ko sa kanilang emotion o pakiramdam kasi parang nagbibigay ako sa kanila ng pakainis at galit. Pero ano nga eh, in a way hindi ko rin naman din maiiwasan kasi it takes a lot of energy to hate on someone so wala rin naman akong magagawa.

“So, thank you pa rin sa hate and sa love na natatanggap ko. Ever since naman gusto kong maging human si Pirena eh, yung maintindihan nila kung bakit siya ganu’n. Kasi diba hindi naman lahat ng tao 100 percent good, di ba? May mga kahinaan din tayo. Eh, si Pirena mas nangingibabaw yung kahinaan niya kaya siya gan’un,” paliwanag ni Glaiza.

Kung may isang quality si Pirena na meron siya, ano ‘yun? “Siguro meron din akong tendency to be hard on herself. To try too much, kasi parang simula bata siya parang deprived na siya sa acceptance about some things in her life.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Feeling ko I don’t belong to anything, hindi ako naiintindihan ng tao so, hinahayaan ko na lang na sige kung ganu’n. Wala akong parang social activities kundi showbiz lang pero nagpapasalamat din ako for the experience na nakukuha ko from this job. Masaya pa rin yun,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending