Aljur adik na adik kay Kylie, pero nakipagbalikan kay Janine | Bandera

Aljur adik na adik kay Kylie, pero nakipagbalikan kay Janine

Jun Nardo |November 18,2016
facebook
share this

Aljur adik na adik kay Kylie, pero nakipagbalikan kay Janine

Jun Nardo - November 18, 2016 - 12:40 AM

JANINE GUTIERREZ AT ALJUR ABRENICA

JANINE GUTIERREZ AT ALJUR ABRENICA

ISANG kahihiwalay at isang nakipagbalikan ang magtatambal sa third story ng Usapang Real Love ng GMA na may titulong “Relationship Goals” – sina Janine Gutierrez at Aljur Abrenica.

Hiwalay na si Janine kay Elmo Magalona na may Janella Salvador na ngayon habang nakipagbalikan naman si Aljur kay Kylie Padilla.

First time humarap sa entertainment press si Janine kahapon after ng break up nila ni Elmo habang si Aljur, kahit nagsalita na, ngayon lang din haharap sa mas maraming reporter. Hala, magkaibang isyu ang masusulat sa kanila, huh!

Nagsama na noon sa isang drama series sina Janine at Aljur. Loveless pa noon si Aljur habang full of love naman si Janine. Pero marami ang nagsasabi na malakas din ang chemistry ng dalawang Kapuso stars kaya maganda ang naging pagtanggap ng viewers sa loveteam nila.

Ayon sa Kapuso hunk, nakatagpo siya ng totoong kaibigan kay Janine dahil nagawa niyang ikumpisal ang mga sikreto niya sa dalaga. Feeling nga namin kung walang Elmo ang Kapuso actress noon, baka naligawan na siya ni Aljur.

Kaso, balik-Kylie na nga si Aljur. Hindi na siya nahihiyang mag-post ng sweet pictures nila ng aktres sa social media na sinasamahan pa niya ng matatalinhagang English caption kaya ramdam ng followers niya kung gaano siya ka-in love kay Kylie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending