Iñigo mas magaling na singer kay Piolo, naimpluwensyahan ni Bieber | Bandera

Iñigo mas magaling na singer kay Piolo, naimpluwensyahan ni Bieber

Ervin Santiago |November 13,2016
facebook
share this

Iñigo mas magaling na singer kay Piolo, naimpluwensyahan ni Bieber

Ervin Santiago - November 13, 2016 - 12:25 AM

inigo pascual

PAANO nga ba patutunayan ng anak ng isa sa pinakasikat na actor-singers sa bansa ang kanyang sarili at lugar sa industriya?

Para kay Inigo Pascual, hindi sapat ang good looks at sikat na pangalang namana niya mula sa kanyang amang si Piolo Pascual. Naniniwala siya na talento pa rin ang kailangan para magtagal sa industriya.

Ngayon, handa nang ipakita ni Inigo ang kanyang ibubuga sa pamamagitan ng kauna-unahan niyang self-titled debut pop-dance album kung saan patutunayan niyang meron din siyang “K” tulad ng amang si Piolo.

Sa media launch ng album ni Inigo kamakailan, sinabi nitong dream come true ang pagkakaroon niya ng sariling album dahil first love talaga niya ang musika. Sa katunayan, sa edad na pito, natuto na siyang tumugtog ng piano nang walang nagtuturo sa kanya. Noong 12 naman siya, natutunan niyang tumugtog ng gitara at ukulele.

Ito rin ang unang pagkakataong nakapagsulat siya ng kanta, ang “Fallen,” na kabilang din sa kanyang album. Noong high school, ginampanan naman niya ang papel na Link Larkin sa musical na “Hairspray.”

Magmula noong mapasabak siya sa mga teleserye at pelikula, sabay din niyang naipakikita ang kanyang talento sa musika. Napasama siya sa “OPM Fresh,” album ng Star Music, sa awiting “Lullabye Bye” kasama ang iba pang baguhang artists. Noong 2015, nakasulat siya ng kantang “Dito” para sa episode ng fantasy-drama series ng ABS-CBN na Wansapanataym na pinagbidahan nila ni Julia Barretto.

Ngayong natupad na ang kanyang pangarap magkaroon ng album, mas magiging mahirap ang tatahaking landas ni Inigo. Gaya ng musical influences niyang sina Sam Concepcion, Chris Brown, Justin Bieber at Nick Jonas, handa rin si Inigo na makilala bilang isang total performer, magkaroon ng hits, at magpauso ng mga dance craze tulad ng kanyang unang single at sariling composition na “Dahil Sa’yo”.

In fairness, kakaiba ang tunog ng boses ni Inigo, swabeng-swabe ito na tagos sa puso. Kinanta niya ang tatlo sa tracks sa album na talagang nakaka-LSS. Feeling namin, mas magiging matagumpay na singer ang binata dahil mas magaling siya sa kanyang amang si PJ.

Pero aminado naman ang Kapamiya singer-actor na marami pa siyang kakaining bigas bago mapantayan ang galing ng ama pagdating sa pag-arte. Dagdag pa niya, magkaiba rin ang genre ng musika nila ni PJ kaya walang kumpetisyon sa pagitan nilang mag-ama when it comes to music.

Kasama rin sa track list n debut album ni Inigo ang sarili niyang version ng classic OPM hit na “Binibini,” pati na ang original songs na “That Hero” ni Jonathan Manalo, “Your Love” nina Shorya Sharma at Samuel Simpson (Singaporean-based at mula sa Academy of Rock na songwriters), “Ikaw at Ako” ni Gabriel Tagadtad at “Live Life Brighter” ni Miles Blue Sy, with bonus tracks “Lullabye Bye” and “Dito (acoustic).”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang album ay ipinrodyus ni Kidwolf, na nakatrabaho na rin ng Star Music artists na sina Marion Aunor, Gimme 5 at Matteo Guidicelli.

Mapapakinggan na rin ito sa Spotify at mabibili na rin nationwide very soon. Ang digital tracks naman ay maaaring i-download sa online music stores gaya ng ABS-CBN Store, iTunes, Mymusicstore.com.ph, Amazon.com, OneMusic.ph, at Starmusic.ph.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending