Adamson Falcons kinumpleto ang UAAP Final Four cast | Bandera

Adamson Falcons kinumpleto ang UAAP Final Four cast

Angelito Oredo |November 09,2016
facebook
share this

Adamson Falcons kinumpleto ang UAAP Final Four cast

Angelito Oredo - November 09, 2016 - 11:00 PM

Mga Laro sa Sabado
(Mall of Asia Arena)
2 p.m. UST vs Ateneo
4 p.m. FEU vs La Salle
Team Standings: La Salle (12-1); FEU (8-4); Ateneo (8-4); Adamson (7-5); NU (5-8); UP (5-8); UST (3-10); UE (2-10)

KINUMPLETO ng Adamson University Soaring Falcons ang apat na koponang magsasagupa sa semifinals matapos nitong biguin ang season host na Unversity of Santo Tomas Growling Tigers, 76-61, sa tampok na laro sa ikalawang ikot ng UAAP Season 79 men’s basketball tournament Miyekules sa Mall of Asia Arena.

Hindi lamang isinarado ng Soaring Falcons ang pinto sa National University Bulldogs at University of the Philippines Fighting Maroons kundi pinatatag din nito ang tsansa na makipag-agawan sa posibleng ikalawang puwesto sakaling mawalis nito ang huling dalawa nitong natitirang laro sa eliminasyon.

Ito naman ang unang pagkakataon na nakatuntong ang Adamson sa semifinals matapos huling makapasok noong Season 74 habang nasa ilalim ng pagtuturo ni coach Leo Austria.

Pinamunuan ni Robbie Brian Manalang ang Adamson sa kinolekta nitong 16 puntos, 2 rebound at 2 assist.

Sa unang laro ay pinatikim ng Ateneo de Manila University Blue Eagles nang ikalawa nitong sunod na kabiguan ang defending champion na Far Eastern University Tamaraws, 74-59, upang pahigpitan ang kanilang labanan para sa ikalawang puwesto na may dalawang beses tataluning insentibo pagdating sa Final Four.

Hindi lamang nakamit ng Blue Eagles ang ikawalo nitong panalo kontra apat na pagkatalo na nagpantay dito sa ikalawang puwesto kasalo ang Tamaraws kundi nasungkit din nito ang ikaapat na sunod na panalo matapos na huling matalo sa University of the Philippines.

Itinala ng Blue Eagles ang pinakamataas nitong abante sa 23 puntos, 58-35, mula sa hindi nakumpletong 4-point play ni Antonio Rafael Asistio bago matapos ang ikatlong yugto bago tuluyang pinigilan ang Tamaraws sa huling 10 minuto para sa ikalawang matinding panalo matapos na dumihan ang kartada ng karibal na De La Salle University Green Archers.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending