Aga kailangan pang magbawas ng taba bago sumabak sa pelikula | Bandera

Aga kailangan pang magbawas ng taba bago sumabak sa pelikula

Ambet Nabus |November 10,2016
facebook
share this

Aga kailangan pang magbawas ng taba bago sumabak sa pelikula

Ambet Nabus - November 10, 2016 - 12:20 AM

aga muhlach

SINORPRESA kami ni tara grets partner ko sa DZMM “Chismax” last Sunday ng original matinee idol noong 80’s hanggang 90’s na si Aga Muhlach.

Nakipagkulitan sa amin si Aga na noo’y katatapos lang mag-live appearance (bilang judge) sa reality show nilang the Pinoy Boy Band Superstar.

“First time kong maka-experience nang may natanggal. So sad, I can still feel the pain, pero yun talaga ang mangyayari sa show eh,” bungad nito sa amin.

Tuwang-tuwa si Aga na lagi palang nakatutok sa DZMM at amaze na amaze daw siya sa kung paanong pindut-pindutin ang mga nasa anchor’s control, bukod pa sa magagaling daw magsalita o mag-opinion ang mga anchors.

“Sana matutunan ko din iyan. Sana one day, mayroon din akong show dito,” sey pa nito na sinang-ayunan namin nang bonggang-bongga.

And take note, habang nasa programa kami ay nakatutok lang ang mister ni kagandahang Charlene Gonzales na parang estudyanteng nagmamasid sa kung anu-anong kaeklayan ang ginagawa namin sa booth. Ha-hahahaha!

By 2017 ay gusto na talaga ni Aga na magka-movie. Siya nga lang daw talaga ang hinihintay ng Star Cinema and he promised them na mga 20-30 more pounds pa ang kailangan niyang tanggalin sa kanyang timbang.
“The game is different now. So far naman, my battle with my weight has been giving me good results. Malaki na rin talaga ang nabawas sa timbang ko but as I’ ve said, maybe the ideal is to lose 20 to 30 more pounds,” sey nito.

Yung project daw with Lea Salonga ang mas posibleng matuloy sa ngayon though he wants to be paired of course with the current leading ladies in showbiz.

Malakas pa rin ang karisma ni Aga as proven by the so many text messages we got during his brief visit sa aming radio show.

And take note ha, hindi lang mga taga-Pilipinas ang nag-text at bumati dahil nakakagulat din ang turn out ng messages from Kapamilya in Japan, Australia, Italy, USA, at iba pa.

q q q

Off the air ay nabanggit namin kay Aga Muhlach ang “The Unmarried Wife” movie ni direk Maryo J. delos Reyes, his director to the now classic “Bagets” movie that launched his career in the 80’s.

Nagkaroon pa siya ng ibang movies under direk Maryo, kasama na ang ilan na nagbigay ng Best Actor awards sa kanya.

“Direk Maryo is an actor’s director. For sure, yung mga artista niya sa movie ay mapapansin ang husay dahil magaling talaga siya. Ibang magpa-level-up ng intensity iyan,” dagdag pa ni Aga.

Kaya nga nang sabihin namin sa kanya ang claim ni direk na it’s about time na i-elevate sina Angelica Panganiban, Dingdong Dantes at Paulo Avelino as among the breed of new acting greats sa showbiz, hindi na tumutol si Aga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Yes, I agree. Ganun naman dapat di ba? They deserve it,” sabay banggit na matindi rin ang personal niyang paghanga kay Angelica bilang nakatambal na nga niya ito sa movie.

“She’s simply great. Mahusay talaga siya!” banggit pa nito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending