Nagpapatay kay Espinosa nasa affidavit niya | Bandera

Nagpapatay kay Espinosa nasa affidavit niya

Arlyn Dela Cruz |November 08,2016
facebook
share this

Nagpapatay kay Espinosa nasa affidavit niya

Arlyn Dela Cruz - November 08, 2016 - 12:05 AM

SINO ang may motibo para ipapatay si Albuera Mayor Rolando Espinosa? Pero bago ang sagot, narito muna ang kwento tungkol sa “kwento ni Espino ang ibabahagi ko sa inyo.
I was curious and intrigued that I had to ask the question right there and then: Sinong General Espina ang tinutukoy sa affidavit ng napatay na si mayor Espinosa?
Ang tinanong ko ay ang hepe ng Albuera Police na si Chief Inspector Jovie Espenido. Direktang sagot niya: “Yung dating Chief ng Philippine National Police, si General Leonardo Espina po ma’am”.
“Are you sure?” At ang sagot: “Yes ma’am yun ang sinabi ni Mayor sa affidavit n’ya at iyon din ang sinabi niya sa akin noong nasa poder ko pa siya”.
Batay sa kwento ng alkalde, ang dating hepe ng PNP na si Director General Leronardo Espina ay kabilang umano sa binigyan ng pera mula sa illegal drugs operation ng kanyang anak na si Kerwin Espinosa sa pamamagitan ng brother-in-law ni Espina na nagngangalang Victor Espina.
Magka-apelyido sila ng kanyang bayaw, yan mismo ang sinabi sa amin ni Espina na agad naming pinatawagan matapos na malaman ang impormasyong ito sa hepe ng Albuera Police na hindi maitago ang pagkadismaya sa pagkakapatay kay Mayor Espinosa.
Ang dami raw na nagtangka sa buhay ni Espinosa, ayon sa hepe ng Albuera Police, at sabi ni Chief Inspector Espenido na ginawa niya ang lahat para mapangalagaan ang seguridad nito.

Nalaman namin mismo sa bibig ng dating hepe ng PNP na, ilang linggo na niyang alam na kasama ang kanyang pangalan sa affidavit ni Mayor Espinosa.
“A friend told me that my name was implicated by the Mayor”, yun ang bungad sa amin ni Espina. Ang ginawa daw niya agad ay nakipagkita siya sa tanggapan ni Director Benjamin Magalong na Deputy Director for Operations ng PNP. Siya na mismo ang humiling ng imbestigasyon at sa panayam namin sinabi niya na, nalaman ng CIDG Region 8 na “ginamit lamang ng kanyang bayaw ang kanyang pangalan para makakuha ng pera kay Mayor Espinosa at Kerwin Espinosa”.
“My brother-in-law used my name”, according to Espina.
Tinanong namin, nasaan na ang kanyang brother-in-law, wala raw siyang ideya kung nasaan na ito.

Nagpasalamat si Espina sa pagkakataon na maibigay ang kanyang panig. Nagpasalamat din kami dahil tinanggap niya ang aming tawag.
Ang totoo, bitin ang panayam namin. Sapat na nakuha namin ang detalye ng nilalaman ng affidavit na nagbabanggit sa pangalan ng dating hepe ng PNP at sapat na nakuha namin ang panig niya. Ngunit hindi doon nagtatapos ang mga tanong.

Hindi namin sinasabing totoo ang lahat ng nilalaman ng affidavit ni Espinosa. Ito ay sinumpaan niyang salaysay na hangga’t hindi nakararating sa korte para sa kaukulang paglilitis ay nananatiling papel lamang.
Ngunit hindi mapapasubalian na ang mga pangalang naroon ay mga pangalang matagal na inalagaan ang kanilang karangalan sa serbisyo—pangalang tulad ng kay General Espina na lumalabas batay sa affidavit na, pinakamataas na opisyal ng PNP na nadawit sa listahan ng isang self-confessed drug operator na tulad ni Mayor Espinosa.

May iba pang pangalan na nandoon, mga heneral na retirado na dati nang nabanggit, nandoon ang pangalang Gen. Dolina, Gen Loot at Senior Supt. Macanas. May pangalan pa nga ng gobernadora at bise gobernadora, o 226 pangalan sa kabuuan.
Una sa listahan sa affidavit ni Mayor Espinosa ay si dating Justice Secretary at ngayo’y Senadora Leila De Lima?

Kay Albuera Police Chief Espenido na rin nagmula ang gusto naming sabihin, yung assault team ng CIDG-8 na nagsilbi ng search warrant kay Mayor Espinosa sa loob ng Baybay Sub-Provincial Jail, maaaring may “impluwensiya rin ng mga tauhan ng CIDG” na kabilang sa mga pangalang nasa affidavit ni Mayor Espinosa.
“Obvious” sabi pa ng hepe ng police ng Albuera.

Tanong, naniniwala ba ako halimbawa sa alegas-yong kasama ang pangalan ng dating hepe ng PNP na si Espina? Ang sagot ko ay hindi, at naniniwala akong marami ang titindig sa integridad ng katauhan ni Espina.

Tanong, naniniwala ba ako na ang isa o ilan sa mga nasa listahang bahagi ng affidavit ni Mayor Espinosa ang may motibo na siya ay patayin upang tuluyang patahimikin at mabalewala ang kanyang affidavit? Ang sagot ko—Oo, naniniwala ako. Naroon ang mag motibo. Naroon ang may kakayanan. Naroon ang may kapangyarihan. Kung naniniwala kang sadya at garapalang pinatay si Mayor Espinosa, nasa listahan, nasa affidavit ang kasagutan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending