Si mayor kasi, e! | Bandera

Si mayor kasi, e!

Ira Panganiban |November 04,2016
facebook
share this

Si mayor kasi, e!

Ira Panganiban - November 04, 2016 - 12:10 AM

KAHIT anong gawin ng mga tao sa I-ACT, hirap pa rin ayusin ang trapiko sa Metro Manila dahil tila di sila pinapansin ng mga tao.

Ang Mabuhay Lane na dapat ay malinis na dahil sa Holiday Season ay tadtad pa rin ng mga illegal parking at road obstructions. Ang mga lansangan sa loob ng mga siyudad ay puno pa rin ng illegal vendors.

Minsan, napadaan ako sa Kalentong sa Mandaluyong, at nakipa-untahan sa mga traffi enforcer don dahil napabilib ako sa dedikasyon nilang ayusin ang trapiko sa bahaging ito ng Mandaluyong.

Sa kuwentuhan naming ay naitanong ko kung bakit hindi nila mapaalis ang mga illegal vendors na halos nasa gitna ng ng kalsada.

Ang sagot? Si Mayor kasi!

At itinuro sa akin ang isang nakabihis na mukhang pulis na nakatambay sa kanto. Sabi ng enforcer: “Tao yan ni Mayor at siya ang kumukolekta sa mga vendors at mga jeepney drivers araw-araw, kaya malakas ang loob ng mga vendors at jeep na bumalagbag sa gitna ng kalye.”

Pero di raw siya sigurado kung totoong tao ito ni mayor. Pero malakas daw ang loob ng taong ito sa kanto kaya ang mga vendor at jeep ay nagbabayad na lang at ang mga enforcers ay walang magawa.

Sa kanto ng JP Rizal at Pasong Tamo sa Makati ay ganun din ang eksena. Ginawang jeepney terminal ang lansangan at lahat ng mga jeep ay parang hari ng lansangan kung makaparada at makaharurot sa kalye.

Sinita ko din ang isang mukhang mabait na enforcer sa lugar na ito at itinuro niya ang isang enforcer din. Yan daw ang “tao ni Mayor” na may hatag ang mga jeepney drivers kaya nagagawa ng mga ito ang gusto nila sa kantong iyon ng Makati.

Pasay, Quezon City, Kalookan, Taguig, Pasig, San Juan, sabihin mo ang siyudad sa Metro Manila at masisiguro ko sa inyo ang mga choke points ng mga lansangan doon na ginagawang palengke o terminal ng mga pampaseherong sasakyan na laging may “tao ni Mayor” na kumuokolekta ng “tong” para puwedeng nakabalandra ang mga vendor at driver sa gitna ng langsangan.

At kahit isanlibong taon natin pag-meeting-an ang gagawin natin solusyon sa trapiko, kahit kasama pa ang mga mayor na yan sa I-ACT na sinasabi ninyo, kung laging merong “tao ni Mayor” na nakatayo sa kanto, walang mangyayari!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending