Giyera ng mga diwata sa Encantadia mas magiging madugo | Bandera

Giyera ng mga diwata sa Encantadia mas magiging madugo

|November 02,2016
facebook
share this

Giyera ng mga diwata sa Encantadia mas magiging madugo

- November 02, 2016 - 12:35 AM

 

SANYA LOPEZ, GLAIZA DE CASTRO, KYLIE PADILLA AT GABBI GARCIA

SANYA LOPEZ, GLAIZA DE CASTRO, KYLIE PADILLA AT GABBI GARCIA

MAS magiging maaksiyon ang mga susunod na tagpo sa fantaseryeng Encantadia ng GMA 7 ngayong si Lila Sari (Diana Zubiri) na ang magiging pinuno ng mga tauhan ni Adhara (Sunshine Dizon).

Ito’y matapos ngang mapatay ni Amihan (Kylie Padilla) si Adhara sa tulong na rin ni Lila Sari dahil tumanggi pa rin itong ituro kung saan niya dinala si Lira (Mikee Quintos).

Pinaayos agad ni Lila Sari sa kaniyang mga kasama ang bangkay ni Adhara para mailibing.
Nakabalik na si Amihan sa kuta dala ang mga kampon ni Adhara. Iniwan niya ang bolang Kristal sa kuta na lingid sa kaniyang kaalaman ay kinaroroonan ni Lira. Tuloy ang paghahanap nila kay Lira.

Naging madugo rin ang engkwentro sa pagitan nina Ybarro (Ruru Madrid) at Icarus. Nakalaban din ni Ybarro si Kahlil (Avery Paraiso) at masasaksak ito. Kasabay nito, natuklasan na rin nina Danaya (Sanya Lopez) mula sa tungkod ni Imaw na si Kahlil ay anak ni Alena (Gabbi Garcia). Ikagugulat naman ni Ybarro ang katotohanang siya ang ama ni Kahlil.

Isang matinding komprontasyon naman ang magaganap sa pagitan ng mag-amang Hagorn (John Arcilla) at Pirena (Glaiza de Castro) matapos ibunyag ni Gurna (Vaness del Moral) kay Pirena ang pananakot sa kaniya ni Hagorn nang mahuli siya nito na nag-iimbestiga tungkol sa mga plano ni Hagorn. At ngayong nakumpirma na ni Pirena ang plano ng ama mas lalong titindi ang kanyang galit.

Gagawin naman ni Ybarro ang lahat para mabawi si Kahlil kay Pirena matapos siyang mabigo sa unang plano niya.

Napapanood pa rin ang Encantadia gabi-gabi sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending