Marlo umaming crush si Sarah G; payag maging third party sa ElNella loveteam | Bandera

Marlo umaming crush si Sarah G; payag maging third party sa ElNella loveteam

Djan Magbanua |October 30,2016
facebook
share this

Marlo umaming crush si Sarah G; payag maging third party sa ElNella loveteam

Djan Magbanua - October 30, 2016 - 12:10 AM

marlo mortel

Photo courtesy of Marlo Mortel’s Instagram account @marlomortelmusic

MAY namamagitan na nga bang “something” sa pagitan nina Marlo Mortel at Morissette Amon?

Isa ito sa mga tanong na diretsong sinagot ng Kapamilya singer-actor-TV host nang mag-guest sa “ShowbizLive” (napapanood at napapakinggan every Wednesday sa Inquirer TV/Radyo at sa Bandera, Inquirer.Net Facebook, ABS-CBN TV Plus at ilan pang digiboxes) hosted by Ervin Santiago and Izel Abanilla.

Habang iniinterbyu si Marlo, maraming fans nila ni Morissette ang nagtanong kung ano ba talaga ang real score sa kanila, ito’y matapos ding kumalat ang balita na sila ng biriterang singer ang magka-date sa Star Magic Ball recently.

“Friends lang po kami. Yes, ChocoBerry ang tawagan namin. Tawag ko sa kanya Berry tapos tawag niya sa akin Choco. But we’re friends at happy kami pareho kapag magkasama, yun lang,” ani ni Marlo.

Sa mga nagtatanong naman kung bakit hindi si Janella Salvador ang kasama niya sa Star Magic Ball, sinabi ni Marlo na meron nang ka-date ang dalaga that night, ang ka-loveteam nitong si Elmo

Magalona, “Ang daming nagtatanong bakit daw ako may kasamang iba, okay naman kami, friends naman kami (ni Janella) and we’re happy.”

Wala ring problema kay Marlo kung gawin siyang third party sa tamabalang ElNella sa future projects ng dalawa. Sana raw ay huwag na silang intrigahin dahil on good terms naman siya with Janella and Elmo.

Hindi pa rin nawawala ang communication nila ni Janella, kamakailan ay magkasama pa sila sa last shooting daw ng pelikulang “Mano Po” na posibleng maging entry sa 2016 MMFF. Makakasama nila rito sina Richard Yap, Jean Garcia, Jake Cuenca at Enchong Dee.

Kinumusta rin ng mga host ng “ShowbizLive” ang takbo ng career ni Marlo ngayon, sabi ng binata, enjoy na enjoy siya ngayon bilang segment host sa morning show ng ABS-CBN na Umagang Kay Ganda.
Challenging nga lang para sa kanya ang paggising ng napakaaga, “Usually kasi, 3 a.m. ang calltime depende sa layo ng lugar. Tsaka hindi naman talaga ako host, wala naman akong idea sa hosting, so natututo naman ako kahit paano.

“Kasi everything hindi naman nakahain sa amin habang umeere kami. Kumbaga sarili mo na lang, eh. Kailangan mong sabihin lahat ng detalye pero kailangan mong maging alive at kailangan mong maglagay ng sarili mong input kaya kailangan mo ring mag-isip,” kuwento pa ng singer-actor.

Mahilig din si Marlo sa extreme rides kaya talagang swak sa kanya tuwing may ipapasubok sa kanyang bagong ride o attraction, pati na rin mga pagkain. Ano ang pinaka-extreme na ginawa niya?

“Mahilig ako sa mga rides pero there was a time noong summer everyday talaga swimming parang ala-singko pa lang ng umaga nakababad na ako sa tubig. Malamig! Ha-hahaha. Minsan ala-singko paaakyatin na ako sa slide, then maghihintay na ako doon hanggang isalang ako,” natatawang sabi pa ni Marlo.

Sa ngayon ay wala muna siyang teleserye pero kung gagawa siya, gusto niyang magbida sa isang drama-comedy na may kurot sa puso pero very light pa rin at masaya.

Nabisto rin sa panayam na isa pa lang Popster si Marlo, dahil grade 5 pa lang siya ay talagang super crush na niya si Pop Princess Sarah Geronimo.

“Meron akong crush ever since si Sarah G. Kasi grade 5 pa lang ako napanood ko na siya sa Star For A Night. Tapos bumili pa ako ng album. Nakikita-kita ko siya sa ASAP minsan and starstruck pa rin ako sa kanya,” aniya.

Kung bibigyan ng chance, gusto niyang maka-loveteam sina Kim Chiu, Heart Evangelista at Liza Soberano.

Towards the end of “ShowbizLive”, naikuwento rin ni Marlo kung paano siya nagsimula sa showbiz.

Sumali pala siya sa X-Factor Philippines pero hindi siya pinalad dito. At alam n’yo ba na nakasabay pala niya si Alden Richards sa pagsali noon sa Starstruck? Pero hanggang Top 30 lang daw siya at natanggal na.

Ilang taon ang lumipas, nakapasok siya sa Walang Tulugan ni Kuya Germs hanggang sa maging Kapamilya na nga siya.

Bukod sa pag-arte ay kumakanta rin si Marlo, nagpasampol pa nga siya para sa lahat ng kanyang fans and social media followers. Hobby din niya ang tumugtog ng gitara, keyboard at paminsan-minsan ay nagsusulat din siya ng mga kanta.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Actually, sila ni Morissette ang kumanta ng theme song ng “The Third Party” kasama ang grupo niyang Harana. Wish ni Marlo, magka-album din siya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending