Nanay ni Jennylyn pumanaw na dahil sa sepsis | Bandera

Nanay ni Jennylyn pumanaw na dahil sa sepsis

Jun Nardo |October 29,2016
facebook
share this

Nanay ni Jennylyn pumanaw na dahil sa sepsis

Jun Nardo - October 29, 2016 - 03:09 PM
jennylyn mercado and mom PUMANAW na ang nanay ni Jennylyn Mercado na si Mommy Lydia Mercado. Namatay ito dahil sa sakit na sepsis secondary to pneumonia kaninang umaga (7:25 a.m.) sa ICU ng St. Luke’s Hospital. Siya ay 74 years old. Mula nang manalo sa Starstruck, si Mommy Lydia na ang naging gabay at kasama ni Jen sa mga showbiz commitment niya. Kaya malaking dagok sa buhay ng Kapuso Ultimate Star ang pagkawala ng ina. Bumuhos naman ang pakikiramay kay Jennylyn sa social media mula sa kanyang mga tagasuporta at kaibigan sa showbiz. Wala pang pahayag si Jen tungkol sa pagyao ni Mommy Lydia pero balitang nakiusap ang pamilya ng Kapuso TVhost-actress ng privacy sa kanilang pagdadalamhati. Ang aming pakikiramay sa mga naiwan ni Mommy Lydia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending