Life story ni Lilia Cuntapay isasabuhay ni Meryll sa Wagas | Bandera

Life story ni Lilia Cuntapay isasabuhay ni Meryll sa Wagas

Ervin Santiago |October 29,2016
facebook
share this

Life story ni Lilia Cuntapay isasabuhay ni Meryll sa Wagas

Ervin Santiago - October 29, 2016 - 12:30 AM

lilia cuntapay

NGAYONG gabi, tampok sa Wagas “October Love Specials” ang itinatagong kuwentong pag-ibig ng tinaguriang “Horror Queen” ng Philippine Cinema na si Lilia Cuntapay na isasabuhay ni Meryll Soriano.

Iisang lalaki lang ang minahal ni Lilia hanggang bawian siya ng buhay noong Agosto, 2016. Ito ay si Basilio, ang kanyang first and only love.

Bago mapadpad sa showbusiness, simpleng teacher noon sa Tuguegarao si Lilia at dito niya nakilala ang noo’y kadete na si Basilio. Pero nadestino sa Baguio si Basilio at kinailangan nilang maghiwalay. Pero napikot si Basilio at wala siyang mukhang naiharap kay Lilia.

Ang hindi alam ni Basilio ay nagdadalang-tao na pala si Lilia nang umalis siya. At dahil sa galit dito,
inilihim ito ni Lilia kay Basilio. Isinilang ni Lilia si Gimo at nagtungo ng Maynila para hanapin ang sarili. Ito rin ang naging simula ng pagganap niya bilang “aswang” sa mga pelikula.

Lumaki si Gimo sa pag-aakalang ang kanyang lola ang kanyang ina. Pagkalipas ng 17 taon ay saka lamang bumalik si Lilia sa probinsya at nagpakilala sa anak. Ngayong taon ay nagkakomplikasyon sa spinal cord si Lilia. Dahil batid na rin niya na hindi na siya magtatagal, inamin ni Lilia kay Gimo na si Basilio ang kanyang tunay na ama. Dito lang din malalaman ni Basilio na nagbunga pala ang pag-iibigan nila ni Lilia noon.

Makakasama ni Meryll sa espesyal na episode na ito ng Wagas sina Gabby Eigenmann at Jeric Gonzales.

Huwag palagpasin ang huling episode ng Wagas “October Love Specials ngayong Sabado, 7 p.m. sa GMA News TV.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending