Snooky napaiyak sa presscon; umaming di sila OK ng ex-dyowa | Bandera

Snooky napaiyak sa presscon; umaming di sila OK ng ex-dyowa

Ervin Santiago |October 29,2016
facebook
share this

Snooky napaiyak sa presscon; umaming di sila OK ng ex-dyowa

Ervin Santiago - October 29, 2016 - 12:40 AM

snooky serna

NAPALUHA si Snooky Serna sa presscon ng bagong afternoon series ng GMA 7 na Hahamakin Ang Lahat. Ang pagiging emosyonal ng senior actress ay may konek sa kanyang ex-husband na si Ricardo Cepeda at sa bagong partner nitong si Marina Benipayo.

Kasama niya ngayon si Marina sa seryeng Hahamakin Ang Lahat at mukhang wala naman daw itong problema sa kanya dahil tinanggap nga nito ang proyekto kahit na alam niyang magkakasama sila.

Inamin ni Snooky na hindi sila magkaibigan ng kanyang ex, “I don’t want to sound bitter or anything, pero after na maghiwalay kami ni Richard, hindi na kami nagkausap talaga bilang magkaibigan. Hindi ko rin alam kung bakit nagkaganu’n.

“Ako naman, wala akong problema if we remain friends. May dalawa kaming anak at matagal ang pinagsamahan namin. I really don’t know kung ano ang naging problema with him. Siguro siya na lang ang tanungin ninyo about it.”

Nagbigay naman si Kukay ng mensahe kay Marina, “I only thanked Marina for being so good to my daughters. Sina Sam and Sachi, they say good things about her kapag nagkakasama sila. Kinukuwento naman nila sa akin si Marina.

“So I wanted to thank her personally, pero baka it would look awkward. Kaya nagpadala na lang ako ng message. Natuwa naman ako when she replied back. At ang sweet pa ng message niya sa akin.

Hopefully, that would be the start of something good between me and Marina,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending