Aiza, Liza ipinagluto si Regine sa Sarap Diva | Bandera

Aiza, Liza ipinagluto si Regine sa Sarap Diva

Ervin Santiago |October 29,2016
facebook
share this

Aiza, Liza ipinagluto si Regine sa Sarap Diva

Ervin Santiago - October 29, 2016 - 12:30 AM

regine aiza at liza

NGAYONG Sabado, dadalaw ang mag-asawang Aiza Seguerra at Liza Dino sa bahay ni Asia’s Songbird Regine Velasquez.

Isang umagang puno ng kwentuhan, kainan at kantahan mula kina Aiza at Regine ang magaganap sa favorite cooking show ninyo with a big twist, ang Sarap Diva, kaya iyan ang dapat ninyong abangan this morning.

May masarap na ihahain si Songbird sa kusina para sa isang masarap na pananghalian na maaari n’yong lutuin sa inyong kusina. May ise-share rin sina Aiza at Liza sa mga manonood na tiyak na makaka-inspire sa mga miyembro ng LGBT community, lalo na sa mga nagiging biktima pa rin ng diskriminasyon.

In fairness, grabe rin ang ibinibigay na panahon at effort ng mag-asawa sa pagtulong sa LGBT at sa mga government agencies na pinamumunuan nila ngayon.

Abangan ang masayang kantahan, kainan at kwentuhan sa Sarap Diva, ngayong Sabado ng umaga pagkatapos ng Maynila sa GMA 7 lang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending