Anne kay Angel: Sana tayo naman ang magkasama sa movie! | Bandera

Anne kay Angel: Sana tayo naman ang magkasama sa movie!

Ervin Santiago |October 27,2016
facebook
share this

Anne kay Angel: Sana tayo naman ang magkasama sa movie!

Ervin Santiago - October 27, 2016 - 08:17 PM

ANNE CURTIS

ANNE CURTIS

WISH ni Anne Curtis – sana raw ay mabigyan din sila ng pagkakataon na magkasama sa isang pelikula ni Angel Locsin.

Nagpalitan ng mensahe sa Instagram ang dalawang Kapamilya actress kung saan pareho silang nag-promote ng kanilang mga pelikula na showing pa rin ngayon sa mga sinehan. Nasa ikatlong linggo na ngayon sa mga sinehan ang “The Third Party” ni Angel with Zanjoe Marudo and Sam Milby, samantalang naka-first week na ngayon ang “Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend” nina Anne, Paolo Ballesteros at Dennis Trillo. Sabay na ipinost nina Angel at Anne sa kani-kanilang IG account ang isang litrato kung saan makikita silang magkasama na kuha ng photographer na si Mark Nicdao. Ginamit pa nila ang hashtag na #BakitLahatNgGwapoMayThirdParty at #BakitLahatNgMayThirdPartyGwapo na pinagsamang titulo ng kanilang mga pelikula na parehong may tema ng kabadingan. Muling nag-post si Anne ng photo nila ni Angel na may caption na: “Love this photo. Sana next time tayo naman magkamovie mars. Nuod na po tayo!!!! #BakitLahatNgGwapoMayThirdParty #AnnGel.” Hindi pa nagkakasama sa movie sina Anne at Angel sa pelikula, pero nagkatrabaho na raw ang dalawang Kapamilya stars sa isang GMA series noong 2003, sa Ang Iibigin Ay Ikaw Pa Rin kung saan nakasama nila sina Richard Gomez, Alice Dixson at Christopher de Leon.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending