Horoscope, October 28, 2016 | Bandera

Horoscope, October 28, 2016

Madam Sophia |October 28,2016
facebook
share this

Horoscope, October 28, 2016

Madam Sophia - October 28, 2016 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Sa pinansyal, darating na ang malaking halaga na hulog ng langit. Sa pag-ibig, bahagihan ang kasuyo sa anumang grasyang matatanggap upang lalo ka pa niyang mahalin. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Gita-Om-Bhagava.” Pink at green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Sa pinansyal, kahit na maraming gastusing kinakaharap, kailangan pa ring magtipid. Sa pag-ibig, wag kulitin nang kulitin ang kasuyo upang hindi kayo magkagalit. Mapalad ang 2, 6, 24, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yhoti-Omi.” Red at yellow ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Higit kang mas magiging mapalad kung sisimulan na ang negosyong may kaugnayan sa pagkain. Sa pag-ibig, tuloy ang masarap na pakikipag-relasyon sa isang Libra. Mapalad ang 3, 12, 19, 23, 26, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Avayara-Om-Beeja.” Beige at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Umpisahan nang gumising ng maaga at magsipag. Sa produktong may kaugnayan sa modernong teknolohiya uunlad ka. Sa pag-ibig, kalimutan na ang kasuyong Leo, mas higit kang liligaya sa isang Libra. Mapalad ang 3, 18, 27, 32, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Siva-Krisna-Rama-Krisna.” Purple at silver ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — May babala ng karamdaman! Ang pakikipagdaldalan sa mga kaibigan ay mabisang therapy, habang ang regular na pakikipagromansahan sa kasuyo ay makapagpapalakas din ng immune system. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 30, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Harim-Om-Hara.” Maroon at blue ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Hindi nakapagpapayaman ang “kayod-kalabaw,” sa halip sa negosyong “laway lang ang puhunan” mas mabilis kang yayaman kaya uumpisahan nang magbenta ng mga bagay na may kaugnayan sa kalusuagan. Sa pag-ibig, husayan mo pang lalo ang pagsasalita upang wag kang iwanan ng iyong kasuyo. Mapalad ang 6, 17, 22, 31, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Loye.” Pink at red ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Samantalahin ang pagkakataon. Habang maganda ang kinikita, matutong mag-savings. Sa pag-ibig, wag nang ipagpaliban ang magagawa ngayon—romansahin ang kasuyo upang muling uminit ang relasyon. Mapalad ang 5, 18, 23, 33, 38 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Gohan-Govinda-Rama.” Purple at gray ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Panahon na upang mag-concentrate sa negosyong may kaugnayan sa mga pagkain at produktong may kaugnayan sa kapaskuhan. Sa pag-ibig, pahalagahan ang pagsisikap na ginagawa ng kasuyo, sa kanyang pagdating bigyan mo siya ng masarap na halik. Mapalad ang 3, 17, 29, 35, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Garuda-Govinda-Arjuna.” Pink at lilac ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Red ang mapalad na kulay ng isang Scorpio. Mas mabilis na dadami ang pera kung lagi kang magsusuot ng red. Sa pag-ibig, red din ang kulay na maghahatid sa isang masarap na romansa. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Patrenan-Om-Ayena.” Bukod sa red ang green ay buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Iwasang magreklamo upang ang magandang kapalarang ay hindi mapurnada. Sa pinansyal, tumango-tango lang hangga’t nagkakapera ka. Sa pag-ibig, wag nang tanggihan ang kasuyo, bumigay ka lang nang bumigay, para mas masarap. Mapalad ang 2, 11, 23, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Udatta-Savitra-Om.” Violet at white ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Tumatanda ka na kaya dapat lang na paghandaan ang future. Panahon na upang mag-invest sa isang negosyong sure ang kita. Sa pag-ibig, manatiling tapat sa kasuyo; sa panahon ng pagtanda siya na lang ang tangi mong maasahan at makakasama. Mapalad ang 5, 12, 21, 30, 47 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Mitra-Om.” Red at blue ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa pag-ibig at pinansyal, may babala na mamali na naman ng pagpapasya. Upang hindi mamali ng desisyon, sundin mo kung anoman ang sasabihin ng kasuyong Virgo. Mapalad ang 6, 19, 28, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Vajur-Om-Veda.” Orange at brown ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Mag-ingat sa mga matataba! Isang may pagka-chubby na pangangatawan ang magtatangkang lumoko sa iyo – mabilis na pag-iwas ang dapat! Sa pag-ibig, iwasang ma-in love sa mga bilugan ang pangangatawan, hihilaturan ka lang sa kanila sa sandali ng romansahan. Mapalad ang 4, 8, 19, 26, 33, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ayen-Arham.” Beige at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending