Gustong maging BF si crush | Bandera

Gustong maging BF si crush

Joseph Greenfield |October 28,2016
facebook
share this

Gustong maging BF si crush

Joseph Greenfield - October 28, 2016 - 12:15 AM

Sulat mula kay Dianne ng Blumentritt, Murcia, Negros Occidental
Dear Sir Greenfield,
May kapitbahay ako na kasing edad ko na matagal ko na pong crush. Ang kaso napakamahiyain niya at may pagkatorpe. Itatanong ko lang kung may pag-asa pa kayang matupad ang pinapangarap ko na siya ang maging first boyfriend ko. Kasi sa edad kong 19 ay hindi pa rin ako nagkaka-boyfriend. Marami naman akong manliligaw, ang kaso hindi ko naman sila type. Sa ngayon tiyaga-tiyaga pa rin ako na naghihintay sa crush ko at nagdarasal na sana ay dumating ang araw na mapansin niya ako. Hindi ko naman siya magawang ligawan dahil lalabas na cheap naman ako kung ako pa ang mauunang magparamdaman. Sir Greenfield, ano sa palagay n’yo, magiging BF ko kaya si crush? October 13, 1997 ang birthday ko.
Umaasa,
Dianne ng Negros
Occidental
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kapansin-pansin na iisa lang naman ang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na kung susubukin mong magparamdam sa lalaking crush mo na medyo may pagkatorpe, tiyak ang magaganap, sa taon ding ito habang papalapit ang Pasko, hindi imposibleng magiging boyfriend mo siya.
Cartomancy:
Nine of Hearts, Ten of Hearts at King of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa sandaling nagparamdam ka sa kanya, kahit na sa text lang o sa Facebook, tiyak ang magaganap. Dahil lihim ka rin niyang crush, kahit likas siyang mahiyain ay mapipilitan din siyang ikaw ay ligawan at laging kausapin.
Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending