Rafael Rosell nag-collapse sa taping, nanginig ang katawan | Bandera

Rafael Rosell nag-collapse sa taping, nanginig ang katawan

Ambet Nabus |October 28,2016
facebook
share this

Rafael Rosell nag-collapse sa taping, nanginig ang katawan

Ambet Nabus - October 28, 2016 - 12:55 AM

RAFAEL ROSELL

RAFAEL ROSELL

MAGTATAPOS na nga this Friday ang Sinungaling Mong Puso, na pinagbibidahan ng paborito naming si Rafael Rosell, with Rhian Ramos and Kiko Estrada.

Nang huli naming makapanayam si Rafa (feeling close talaga kami, oh! Ha-hahaha!), naikuwento nitong hirap na hirap siyang tanggalin sa sistema niya ang ginampanang role bilang si Roman sa afternoon soap ng GMA 7.

“Madalas napapanaginipan ko siya. Minsan nga nalilito na ako pag gising ko kung si Roman ba ako o si Rafael dahil akala ko lagi akong nasa taping. Yung kakaibang sungit, lupit at pagiging marahas ni Roman, yun ang hindi basta matanggal,” kuwento ng magaling na aktor na madalas daw pinupuna ng mga kasama niya sa bahay dahil nasusungitan na niya ang mga ito.

Minsan na ring inatake ng anxiety si Rafa during one taping day at talaga raw nataranta ang marami sa pagnginig ng buong katawan niya, “Electrolyte something, nawalan ng air at parang kinapos ng water yung katawan ko kaya parang nag-collapse ako. Very intensed kasi ang mga scenes na kinunan,” dagdag pa nito.

Isa nga si Rafael sa mga few actors natin sa ngayon na sobrang focused sa career at laging in character, “Yung huli akong inatake ng matindi eh, nu’ng diyablo ang role ko sa isang series sa ABS-CBN. Ngayon lang uli naulit dito sa Sinungaling…,” sey pa nito.

Pero hindi naman daw siya nagsisisi na nagampanan niya ang isa sa iconic roles sa TV version ng classic film ng aming idol-friend Ms. Vilma Santos, “This is one project na talagang kahit ulitin ko ay gusto kong gawin. Lahat ng nakatrabaho ko, mula kina Rhian, Kiko, Michael (de Mesa), gusto ko silang makatrabaho uli.”

Magpapahinga daw sandali si Rafael after ng kanilang serye, balak niyang mag-surfing kasama ang tropa niya para ma-relax nang kaunti.

Busy pa rin siya sa kanilang organic store (vegetables and the likes) and yes, mine-maintain pa rin niya ang pagkakaroon ng healthy lifestyle, pati na ang “good sex.” Ha-hahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending