Ai Ai pumayag makipag-love scene sa Siamese twin | Bandera

Ai Ai pumayag makipag-love scene sa Siamese twin

Jun Nardo |October 28,2016
facebook
share this

Ai Ai pumayag makipag-love scene sa Siamese twin

Jun Nardo - October 28, 2016 - 12:30 AM

AI AI DELAS ALAS

AI AI DELAS ALAS

KALOKA ‘yung eksena ni Ai Ai delas Alas sa indie movie niyang “Area” kung saan may customer siyang Siamese twin. Matandang pokpok kasi ang role niya sa Louie Ignacio film na ito na talagang namang nakakaantig ng damdamin ang pagsasalarawan ng buhay ng isang putatsing matapos pumutok ng Mt. Pinatubo.

Nakakuwentuhan ni Ai Ai ang kambal na ‘yon bago nila ginawa ang kanilang mga eksena.

“Sa totoong buhay, ‘yung isa, walang asawa. ‘Yung isa ang meron. Nasanay na ‘yung isa. Sabi ko, ‘Kuya, walang malisya ang tanong ko. Pag nagdyugdyugan sila ng asawa ng kapatid mo, may sex urge ka?’ Sabi niya, ‘Wala po.’ ‘Bakit?’ Nakasanayan ko na po, eh,’” chika ni Ai Ai sa special screening ng “Area” sa PBA Café sa Metrowalk.

Sa movie, nakatalikod lang ang isa sa kambal at hindi tumitingin sa kapatid na nakikipag-sex kay Ai Ai.

“Dikit sila talaga. ‘Yung puwet nila ang magkadikit, eh,” saad pa ng Comedy Queen.

At naglabas man ng boobs si Sue Prado at may dyugdyugang nagaganap, there’s more to “Area” than those scenes. May aliw factor sa mga dayalog ng limang pokpok lalo na nu’ng pap smear scene nila, huh!

At wala nang dapat patunayan si Ai Ai pagdating sa pagpapaiyak sa manonood. Maiiyak ka sa eksenang ninakaw ang datung na inipon pero wag palampasin ang last moment niya sa movie dahil aagos talaga ang luha ninyo.

Sa Nov. 9 na ang showing ng “Area” at Grade A ang ibinigay rito ng Cinema Evaluation Board.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending