Kilalang male star mura nang mura, nagpakalasing dahil walang lovelife | Bandera

Kilalang male star mura nang mura, nagpakalasing dahil walang lovelife

Cristy Fermin |October 28,2016
facebook
share this

Kilalang male star mura nang mura, nagpakalasing dahil walang lovelife

Cristy Fermin - October 28, 2016 - 12:20 AM

BLIND ITEM 0715

ISA lang ang nasabi ng mga kasamahan ng isang male personality na hindi naman pala kayang dalhin ang kanyang sarili kapag siya’y nalalasing, huwag uminom kung hindi kaya, manahimik na lang.

Sinisisi ng mga nakapalibot sa aktor ang kanyang mga kasamahang artista, binigyan daw kasi nang binigyan ng mga ito ng alak ang male personality, kaya nalasing siya nang todo.

Katwiran naman ng mga nasa party, kung ayaw niya talagang uminom, ipagduldulan man sa kanya ang alak ay walang magaganap, siya mismo ang may gustong mag-enjoy nang gabing ‘yun, pero hindi naman pala niya kayang dalhin ang kanyang kalasingan.

Kuwento ng isang source, “Huwag na kasing itapon sa iba ang sisi, hindi naman siya tinutukan ng baril sa ulo para lang siya uminom, pero akala mo wala nang bukas para sa kanya nu’ng makatikim na siya ng alak!

“Pinipigil na nga siya ng mga co-actors niya, pero sige pa rin siya nang sige, ang palagi niyang sinasabi, e, loveless na raw siya, kaya kailangan na lang niyang daanin sa paglaklak ang kalungkutan niya.

“‘Yun ba ang pinipilit lang naman uminom? Halos ubusin na niya ang mga alak sa table? Kundi kasi kayang panindigan ang paglalasing, behave na lang!” naiinis na kuwento ng impormante.

At nu’ng matindi na ang pagmumura ng aktor ay niyaya na siyang umalis ng kanyang PA, pero mas nag-ingay pa siya, mura siya nang mura na hindi naman alam ng mga nandu’n kung sino ang pinatatamaan niya.

Patuloy ng aming source, “Naku, minsan na nga lang siyang nakita ng mga taga-showbiz na ang ganda-ganda ng porma, amoy at mukhang malinis siya, pero ganu’n pa ang ginawa niya!

“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, ipatapon n’yo nga muna sa isang bayan sa probinsiyang pinamumunuan nu’n ng isang sikat na aktres ang lalaking ‘yun!” pagtatapos ng aming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending