Kris tinabla ng ex-dyowa ni Maricel kaya hindi natuloy ang show sa GMA | Bandera

Kris tinabla ng ex-dyowa ni Maricel kaya hindi natuloy ang show sa GMA

Julie Bonifacio |October 28,2016
facebook
share this

Kris tinabla ng ex-dyowa ni Maricel kaya hindi natuloy ang show sa GMA

Julie Bonifacio - October 28, 2016 - 12:05 AM

KRIS AQUINO

KRIS AQUINO

UMAAPAW ang pasasalamat ng King of Talk na si Boy Abunda sa apat na trophies na napanalunan niya sa katatapos lang na Star Awards for TV ng Philippine Movie Press Club.

Sa Tonight With Boy Abunda last Monday ginawa ni Kuya Boy ang kanyang thank you” speech dahil hindi siya naka-attend ng awards night na ginanap sa Novotel Hotel sa Araneta Center.

Ang kanyang associate producer sa TWBA na si Grachel Castro ang personal na tumanggap ng award ni Kuya Boy para sa kategoryang Best Celebrity Talk Show and Host. Kasalukuyang nasa eroplano pa kasi si Kuya Boy pabalik ng Manila from Singapore nu’ng in-announce ang kanyang pangalan at programa bilang mga winner.

Four days si Kuya Boy sa Singapore to give support para sa kanyang international talent na kasali sa Asian Food Hero sa Singapore. Yes, Vin! Pang-international na ang “beauty” ni Kuya Boy as far as handling talents are concerned.

His name is Chef Anton Amoncio na isa mga pang-international talent ni Kuya Boy for his new talent management called Asian Artist Agency. Binuwag na kasi ni Kuya Boy ang Backroom. Bukod kay Chef Anton, under AAA din si Leo Consul na isa sa mga host ng Eat Bulaga sa Jakarta, Indonesia. Dalawang TV shows ang hino-host ni Leo roon plus a drama series in Jakarta.

Next month magkakaroon ngn soft launch ang AAA pero next year pa raw ang bonggang paglulunsad ng bagong talent management ni Kuya Boy. Bukod sa international stars, kabilang pa rin sa AAA ni Kuya Boy ang ilang local stars gaya nina Kris Aquino, Dawn Zulueta, Gretchen Barretto, Ariel Rivera, Amy Perez, Aiko Melendez, Gelli de Belen, Bianca Gonzales, Mariel Rodriguez.

On Nov. 3, nakatakdang umalis ulit ng bansa si Kuya Boy papuntang US and this time, may malaki siyang “talk” concert doon billed as “An Evening With Boy Abunda” na magaganap sa Alex Theater sa Glendale, USA on Nov. 5. Ilan sa makakasama niya sa show sina Martin Nievera, Lani Misalucha and other surprise guests.

And speaking of Kris, kinumusta namin kay Kuya Boy ang tungkol sa show ng TV host na gagawin sana niya sa GMA na hindi raw natuloy dahil hindi siya feel diumano ng isa sa co-owner ng production ni Tony Tuviera, si Cesar Jalosjos, ama ng anak ni Maricel Soriano na si Tien-Tien.
Hindi pa raw sila nagkakausap ni Kris ayon kay Kuya Boy. Kaya wala pa rin siyang masabi as to what will happen sa TV career ni Kris.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending