Horoscoep, October 27, 2016 | Bandera

Horoscoep, October 27, 2016

Madam Sophia |October 27,2016
facebook
share this

Horoscoep, October 27, 2016

Madam Sophia - October 27, 2016 - 02:06 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Maraming matutuklasang aral sa araw na ito. Sa pinansiyal, mare-realize mong hindi pinupulot ang pera, kundi pinaghihirapan, at ito ay kailangang tipirin. Sa pag-ibig, wag pumatol sa isang taong may pananagutan na. Ipapahamak ka lang niya. Mapalad ang 3, 9, 12, 27, 33, at 42. Mahiwag among mantra: “Agla-Aum-Aum”. Blue at gray ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Sa pinansyal, sa pagiging mahinahon kikita ng mas malaking halaga. Sa pag-ibig, habang naglilinis ng pantson o kaya’y dumadalaw sa mga mahal sa buhay na namayapa na, isang Leo ang lihim na magkaka-crush sa iyo. Mapalad ang 3, 9, 27, 34, 38 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Ava-Yara-Salva-Me-Om”. Blue at red ang bueans.
Taurus – (April 20-May 20) — Sa produktong pagkain ka uunlad. Sa pag-ibig, lalong kikiligin ang kasuyo kung sabay kayong kakain habang nagtitigan. Mapalad ang 6, 15, 24, 39, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Rama-Krisna.” Violet at green ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Habang nagaganap ang panahong ito ng Araw ng mga Patay at Araw ng mga Kaluluwa, kikita ka ng malaking halaga, sa negosyong may kaugnayan sa kandila, pintura, tsitsirya at mga bulakalak. Sa pag-ibig, habang tumutulong sa kapwa ng bukal sa loob, kusang darating ang true love. Mapalad ang 1, 10, 19, 25, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Agara-Sandhapa-Coronaria.” Red at black ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Unahin ang mga bagay na pagkakaperahan, upang hindi masayang ang magagandang mga oportyunindad na dumarating ngayong katapusan ng Oktubre. Sa pag-ibig, mahalin pang lalo ang kasuyong Scorpio. Mapalad ang 6, 17, 26, 35, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Smile thou the hearts is breaking.” Green at white ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Wag ng isipin ang mga suliraning hindi pa dumarating, ang ngayon ang mahalaga kaya ngayon ka na dapat mag tipid at mag-ipon ng pera para sa future. Sa pag-ibig, ituloy ang pakikipag-relasyon sa malambing na Libra. Mapalad ang 9, 17, 23, 41, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Gayatri-Om-Dosya-Om”. Silver at pink ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Mahusay na desisyon ang dapat, malapit na malapit na ang tagumpay. Manatiling kalmante upang malasap ang masarap na lasa ng pagwawagi. Sa pag-ibig, habang lumalapit ang Araw ng mga Kaluluwa, lalo namang iinit ang romansa. Mapalad ang 7, 16, 24, 33, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Amara-Ananda-Marga.” Lilac at purple ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Sa pag-ibig iwasang lumabag sa kabutihang asal, upang hindi mapahamak, tigilan na ang pakikipag-relasyon sa maling nilalang. Sa pinansiyal, kapag naging tapat sa iyong pamilya saka ka palang yayaman. Mapalad ang 3, 12, 27, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Amara-Om-Ananda.” Red at pink ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Lutasin na agad ang problema bago pa ito lumala. Wag ng hintaying lumaki ng lumaki ang tubo, sa mga utang – magbayad na agad. Sa pag-ibig, batiin na ang kasuyong matampuhin, upang uminit muli ang relasyon. Mapalad ang 6, 17, 24, 31, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Mimu-Soph-Agu-Ferrea.” Maroon at beige ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Wag katamaran ang kasauluyang ginagawa, ituloy lang ang kasalukuyang hanap buhay, darating ang araw kusa ka ring kikita ng mas malaking halaga. Sa pag-ibig, sipagan at dagdagan pang lalo ang pagte-text sa kasuyo. Mapalad ang 6, 15, 23, 33, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Sava-Tasya.” Yellow at purple ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Sa pinansiyal, isang kaibigang Virgo ang mag-aabot ng malaking halaga. Tanggap lang ng tanggap. Sa pag-ibig, hingin ang ayuda ng minamahal, upang mas madaling malutas ang mga problema. Mapalad ang 1, 19, 26, 33, 45 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Haram-Haram-Aum.” Green at gray ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Kalimutan mo na ang nakaraan upang makapagsimula ka ng bagong buhay ngayon! Bagong negosyo at pagkakakitaan ang dapat at bagong karelasyon din ang kailangan, mula sa isang nilalang na isinilang sa buwan ng Disyembre. Mapalada ng 4, 15, 26, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Na-Me-Aum-Aum-Name.” Red at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Maglaan ng sapat na salapi para sa nalalapit na kapaskuhan. Sa pag-ibig, umiwas sa lipunan, ituon ang buo at walang hating pagmamahal sa iyong pamilya upang lalo ka pang suwertehin. Mapalad ang 7, 13, 22, 36 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Dosya-Rama.” White at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending