Jake umiral ang pagiging Estrada, nirespeto pa rin sina Andi at Albie | Bandera

Jake umiral ang pagiging Estrada, nirespeto pa rin sina Andi at Albie

Cristy Fermin |October 27,2016
facebook
share this

Jake umiral ang pagiging Estrada, nirespeto pa rin sina Andi at Albie

Cristy Fermin - October 27, 2016 - 12:20 AM

andi-jake-albie
AGAD nang naramdaman ni Jake Ejercito ang kasabihang lukso ng dugo nang una niyang makita si Ellie, anak ni Andi Eigenmann, na habampanahong pinaniwalaan ng marami na anak ni Albie Casino.

Ramdam na ramdam na ‘yun ng guwapong anak nina Pangulong-Mayor Erap Estrada at Laarni Enriquez, pero nanatili siyang tahimik, gusto niyang manggaling ang kumpirmasyon kay Andi.

Hanggang sa lumabas na nga ang katotohanan nang magpa-DNA test sina Jake at Ellie, siyento-porsiyentong positibo ang pagiging mag-ama nila, hindi pa rin ‘yun ipinagmakaingay ni Jake.

Nitong bandang huli na lang siya nagbigay ng pahayag na totoo, siya nga ang biological father ng anak ni Andi, pinagpistahan ang mga litanya ng guwapong binatang-ama.

Hindi siya nagpakawala ng anumang salita kontra kay Albie, maging kay Andi ay wala siyang ipinatungkol na masakit na salita, sa gitna ng ganitong kontrobersiya ay nanatiling marespeto si Jake Ejercito sa kanyang kapwa.

“Estrada kasi siya, kaya ganyan siya, hindi naninisi ng ibang tao, walang sinasaktan,” komento ng isang kaibigan namin.

Oo nga naman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending