Tintin Bersola nahulog sa kanal kakahabol kina Alden at Yaya Dub | Bandera

Tintin Bersola nahulog sa kanal kakahabol kina Alden at Yaya Dub

Ervin Santiago |October 27,2016
facebook
share this

Tintin Bersola nahulog sa kanal kakahabol kina Alden at Yaya Dub

Ervin Santiago - October 27, 2016 - 12:35 AM

tintin bersola babao

KUNG meron mang isang celebrity na talagang masasabing loyal and die hard AlDub fan, ‘yan ay walang iba kundi si Tintin Bersola-Babao. Mula kasi noong magsimula ang kasikatan ng tambalang Alden Richards at Maine Mendoza hanggang ngayon ay talagang todo pa rin ang suporta ng TV host.

Inamin ng misis ni Julis Babao na bata pa siya ay talagang mahilig na siya sa showbiz, ang idol na idol daw niya noong kanyang kabataan ay si Megastar Sharon Cuneta, “Tapos ngayon naman, itong AlDub.

Pero fan din ako ng LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil), at ng KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla). Pero mas loka-lokang fan ako ng AlDub.”

In fact, ilang beses daw niyang pinanood ang “Imagine You & Me” at gumagawa rin siya ng paraan para mapuntahan ang mga special events ng AlDub, tulad na lang ng ginanap na Aldub Nation Festival 2016 sa SMX Convention Center last October. 16.

Sa media conference ng health campaign na #WallAgainstDengue campaign na ginanap kamakailan sa Monet Ballroom ng Novotel Manila kung saan isa nga si Tintin sa mga celebrity advocates ng kampanya laban sa dengue, tuwang-tuwa raw siya nang kuning ninang sa naganap na kasalang Alden at Maine sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Ibinahagi pa nga ng TV host ang isang experience niya sa kakahabol sa AlDub, “Nasa Instagram ko iyon, hinabol ko sila sa parking lot. Nakakatawa, hawak-hawak ko yung phone ko, e, di hinabol ko sila. Gusto ko kasing makita yung pagsakay nila sa sports car, magde-date na sila, after ito ng premiere night ng ‘Imagine You And Me’.

“Di ba, sa parking lot, may daanan sa gilid, akala ko flat, semento, iyon pala kaya pala may takip na tarpaulin butas iyon, yung may kanal. So, ako, nawala ako sa camera. Lumusot yung shoes ko! Kitang-kita ni Alden at saka ni Maine, sabi nila sa akin, ‘Okay lang po kayo, Ms. Tin?’

“Natigalgal sila pareho. ‘Okay lang ako. Okay lang ako.’ Tapos sumakay na sila sa sports car nila. Iyon ang pinakabaliw kong ginawa. Hinabol ko sila, tapos nahulog ako sa kanal. Tapos na-video ko iyon, ilang beses na-repost iyon.

“At saka mahal yung shoes ko, ha, Louboutin yun. Nakaskas talaga yung leather. Sabi ko, eto na talaga yung souvenir ko of being a loka-lokang AlDub fan!” tawa nang tawang kuwento ni Tintin.

Affected din daw siya kapag iniintriga at naba-bash ang AlDub, “Super! Alam mo naman ako e, super fan. Nakakalungkot kasi parang bakit kailangang mang-bash. Bakit hindi na lang maging happy, di ba?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending