Prosecutor patay matapos pagbabarilin sa labas ng Davao Oriental justice hall | Bandera

Prosecutor patay matapos pagbabarilin sa labas ng Davao Oriental justice hall

|October 26,2016
facebook
share this

Prosecutor patay matapos pagbabarilin sa labas ng Davao Oriental justice hall

- October 26, 2016 - 04:18 PM

davao oriental

PATAY ang isang prosecutor matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa labas ng Hall of Justice sa Mati City, Davao Oriental, kaninang umaga, ayon sa pulisya.
Kinilala ni Chief Insp. Andrea dela Cerna, Southern Mindanao police regional spokesperson ang biktima na si Fiscal Rolando Acido, Mati city prosecutor.

Idinagdag ni Dela Cerna na base sa inisyal na impormasyon binaril ang biktima sa labas ng Hall of Justice sa Barangay Dahican ganap na alas-8:20 ng umaga.
Papalabas sana ang 55-anyos na biktima ng kanyang kotse ng siya ay lapitan ng salarin at pagbabarilin bago tuluyang tumakas.
Itinakbo si Acido sa St. Camillus Hospital sa Mati, bagamat namatay din makalipas ang ilang oras.
Narekober ng mga pulis ang limang basyo ng baril mula sa cal. 45.
Sinusundan ang biktima ng kanyang bodyguard na nakasakay sa isang motorsiklo ng mangyari ang pag-atake.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending