Charice: 6 years old pa lang ako, alam ko nang iba ako! | Bandera

Charice: 6 years old pa lang ako, alam ko nang iba ako!

Ervin Santiago |October 26,2016
facebook
share this

Charice: 6 years old pa lang ako, alam ko nang iba ako!

Ervin Santiago - October 26, 2016 - 12:20 AM

charice pempengco

MULING ibinahagi ng international Pinoy singer na si Charice ang kanyang naging struggle sa pagiging tomboy, lalo na noong bata pa lang siya.

Sa guesting ni Charice sa morning show ng ABS-CBN na Magandang Buhay, binalikan ng magaling na singer ang kanyang kabataan at kung paano niya pinaglabanan ang pagiging tibo.

“Nu’ng age ko na ‘yun (6 years old), hindi ko alam ‘yung word na bading, tomboy, lesbian, gay, I didn’t know, hindi ko alam. Kaya du’n ko na-confirm. Kasi hindi ko naman alam ‘yung mga words na ‘yun pero ‘yun ‘yung nararamdaman ko bata pa lang ako,” ani Charice.

Bata pa lang daw ay hindi na siya nagkaroon ng attraction sa mga lalaki, at natatandaan pa niya na nagkaroon siya ng crush na babae noong Grade 1 siya, classmate niya raw ito.

At dahil nga pilit niyang itinatago ang tunay niyang pagkatao, nagkaroon siya ng insecurities. Mahal na mahal daw niya ang kanyang nanay kaya pinilit niyang ilihim ang kanyang pagkatibo sa pamilya.

“Growing up, nandoon ‘yung insecurities ko, especially kapag nakakakita ako ng iba na open sila and out sila sa family nila or sa friends nila,” kuwento pa ni Charice.

Nang makilala na raw siya bilang biritera, pinanindigan na niya ang pagiging babae, at sa mga birit songs na lang niya hinuhugot ang kanyang emosyon, “Medyo cheesy man pong pakinggan, I guess, ‘yun ‘yung ginamit ko siguro. Parang siya ‘yung naging hugot every time na nagpe-perform ako.

“At that time, it felt like I was wearing a mask. Pero in terms of singing na ginawa ko noon, wala naman akong pinagsisihan, lahat ‘yun na-enjoy ko.

“I guess extra lang ‘yung fact na ang daming secrets in my heart na ‘yun ‘yung hugot kaya mas naging emosyonal lahat ‘yung mga performances,” paliwanag pa ni Charice.

Sa ngayon masaya na ang singer sa piling ng kanyang dyowang si Alyssa Quijano at tanggap na tanggap na rin ng kanilang nanay at pamilya ang kanilang relasyon.

Sa isang interview naman kay Charice inamin nitong nag-iipon na sila ni Alyssa para sa plano nilang pagpapakasal at pagkakaroon ng sariling anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending