Inah de Belen, Jake Vargas magdyowa na raw? | Bandera

Inah de Belen, Jake Vargas magdyowa na raw?

Ervin Santiago |October 26,2016
facebook
share this

Inah de Belen, Jake Vargas magdyowa na raw?

Ervin Santiago - October 26, 2016 - 12:30 AM

inah de belen at jake vargas

Totoo nga kaya ang kumakalat na balita ngayon na na nagkakamabutihan na raw ang Kapuso loveteam na sina Jake Vargas at Inah de Belen?

Kung noong nagsisimula pa lang ang kanilang afternoon series na Oh My Mama sa GMA 7, ngayon daw ay close na close na ang dalawa at super sweet na sa isa’t isa, lalo na kapag nagkikita sila sa taping.

Balitang napapadalas din ang pagkikita ng dalawa kahit wala silang trabaho at kahit na in-between takes ay kapansin-pansin pa rin daw ang closeness ng dalawa.

Totoo kaya na may mutual understanding na ang dalawa? May meaning nga kaya ang pag-imbita ni Jake kay Inah sa kanyang concert recently at pagbunyag ng kanilang co-star sa serye na si Gladys Reyes na nag-date na raw kamakailan ang dalawang Kapuso stars?

If ever na totoo nga ang balitang ito about the two, makuha naman kaya ni Jake ang approval ng parents ni Inah na sina Janice de Belen at John Estrada?

Ang balita namin, balak nang ipakilala ni Inah sa Jake sa kanyang pamilya pero wala pa lang daw chance. ‘Yun na!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending