Kailan magkaka-boyfriend? (2) | Bandera

Kailan magkaka-boyfriend? (2)

Joseph Greenfield |October 25,2016
facebook
share this

Kailan magkaka-boyfriend? (2)

Joseph Greenfield - October 25, 2016 - 02:51 PM

Sulat mula kay Jhelay ng Sto Nino, Lapasan,  Cagayan de Oro City
Dear Sir Greenfield,
1. Magtwo-29 na po ako sa October 30 pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagkaka-boyfriend. Bakit kaya hindi pa ako nagkaka-boyfriend samantalang iyong ibang mga friends ko nakaka-apat na boyfriend na at iyong iba ko friends ay may kanya-kanya nang pamilya?
2. Kaya nais kong malaman ay kung kailan ako magkaroon ng boyfriend at kung kailan ako makapag-aasawa? Ang isa pa, bat ganun, maganda naman ako pero pansin ko parang hindi ako ligawin samantalang iyong isa kong kaibigan na hindi naman kagandahan ang daming naging boyfriend?
Umaasa,
Jhelay ng Cagayan de Oro City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Scorpio (Illustration 2.) ang nagsasabing isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Cancer ang iyong magiging boyfriend sa taon ding ito ng 2016 bago sumapit ang pasko at ang lalaki na ring ito sa bandang huli ang iyong mapapangasawa.
Numerology:
Ang birth date mong 30 ay nagsasabing ang lalaking magiging boyfriend mo hanggang sa tuluyang mapapangasawa ay isinilang sa petsang 6, 15, 24, 9 o kaya’y 18. Sa piling ng lalaking nabanggit habang buhay kang uunlad at magkakaroon ng isang maligayang pakikipag-relasyon at pagpapamilya.
Physiognomy:
Ang hugis ng iyong mukha na bilugan at medyo chubby o mataba ang nagsasabing ang magiging boyfriend mo ay isang lalaking maaskad ang hilatsa ng mukha, parang medyo matapang. Tulad mo rin siya, halos kasing edad mo rin at sabik na sabik ding magkaroon ng karelasyon.
Luscher Color Test:
Upang mas mabilis kang lapitan ng suwerte lalo na sa pag-ibig at pakikipag relasyon, lagi kang gumamit at magsuot ng kulay na berde, asul at pula. Sa nasabing kulay, hindi lang boyfriend ang maakit mo, kundi maakit mo rin ang magandang kapalaran sa pang-materyal na mga bagay.
Huling payo at paalala:
Jhelay ayon sa iyong kapalaran wag kang mainip dahil sa taon ding ito ng 2016 sa edad mong 29 pataas magkaka-boyfriend ka na, upang sa susunod na taong 2017 sa edad mong 30 sa buwan ng Marso o kaya’y Abril tuluyan ka na ring makapag-aasawa at makakabuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending