Angelica maligaya kahit walang lovelife: Magtrabaho muna tayo! | Bandera

Angelica maligaya kahit walang lovelife: Magtrabaho muna tayo!

Ervin Santiago |October 25,2016
facebook
share this

Angelica maligaya kahit walang lovelife: Magtrabaho muna tayo!

Ervin Santiago - October 25, 2016 - 12:25 AM

angelica panganiban at john lloyd cruz

SUMUSUMPA si Angelica Panganiban na hindi sila nagkabalikan ng kanyang ex-boyfriend na si John Lloyd Cruz.

Patunay nga riyan ang pagrampa niya ng mag-isa sa nakaraang Star Magic Ball 2016. Marami kasi ang umasa na sila ni John Lloyd ang magka-date sa annual event ng Star Magic ngunit nabigo nga ang kanilang fans dahil ang kasama ni Lloydie na dumating s venue ay ang co-star niya sa pelikulang “Ang Babaeng Humayo” na si Ms. Charo Santos.

Inakala kasi ng kanilang supporters na sila na uli dahil nga madalas silang makitang magkasama sa mga lakaran, ang huli nga ay sa isang resto kung saan nakunan pa sila kasama ang staff at crew.

Nang makorner ng ilang reporter si Angelica during the Star Magic Ball, tinanong ang aktres kung ano ang reaksiyon niya sa mga balitang nagde-date raw ngayon sina Lloydie at Maja Salvador.

“Wala naman, mas nauna na talaga sila mas maging magkaibigan kaysa sa akin,” sagot ng dalaga.
Sey ni Angelica happy siya ngayon kahit single at mas gusto niyang mag-focus sa kanyang trabaho, “Ngayon oo, excited lang ako sa lahat ng trabaho ko.”

Excited na rin si Angelica sa upcoming movie niya with Dingdong Dantes and Zanjoe Marudo, “Tapos na kami actually, well habang tumatagal yung pag gawa namin sa movie, marami ako na di-discover sa mga katrabaho ko.

“Hindi lang sa mga artistang involved sa pelikula, kundi sa mga ka-trabaho sa likod ng camera kaya habang tumatagal mas exciting at excited ako para sa mga tao na mapanuod ang pelikula na bagong kuwento at bagong atake ng pagmamahalan,” pahayag pa ni Angelica.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending